MGA GYM, SPA PINAPAYAGAN ANG LIMITADONG OPERASYON SA NCR PLUS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinahihintulutan pa ring magpatuloy sa kanilang operasyon, bagama’t sa limitadong kapasidad, ang mga gym, spa, at maging mga fitness center sa tinaguriang NCR+ o sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — ang limang lugar sa National Capital Region na nakapailalim sa  general community quarantine (GCQ) bubble simula pa noong Lunes, Marso 22, 2021.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa naturang mga lugar sa ilalim ng GCQ bubble sa loob ng dalawang linggo. Nangangahulugan itong tanging ang mga awtorisadong indibidwal lamang ang pahihintulutang makapaglakbay papasok at palabas ng nasabing mga lugar. 

Ang nasabing hakbang ay isinasagawa upang mapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, na kinakitaan ng biglang pag-angat nitong mga nakaraang araw. 

Ani Roque, ang mga gym at fitness centers sa nasabing GCQ bubble ay papayagang magpatuloy sa kanilang operasyon ng hanggang 75 porsyento ng kanilang kabuuang kapasidad. Ang mga spa ay maaari ring manatiling bukas ng hanggang 50 porsyento ng kanilang kabuuang kapasidad. 

Gayunpaman, kinakailangan pa ring sumunod ang nasabing mga establisyimento sa safety protocols at minimum public health standards, partikular na ang pagbabawal sa pagkukumpulan ng mga tao sa communal areas, tulad ng pantry at kantina. 

Bagama’t pinapahintulutan ng gobyerno ang limitadong operasyon ng nabanggit na mga establisyimento, dedepende pa rin sa desisyon ng lokal na pamahalaan kung sila nga ay papayagang magbukas. Sa Quezon City, tigil-operasyon muna ang mga ito habang nananatili ang GCQ bubble.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.