MGA LGU INATASANG GAWING SIMPLE ANG REGISTRATION SYSTEM PARA SA COVID-19 VACCINATION

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na gawing simple ang kani-kanilang registration system para sa COVID-19 vaccination. 

Sa isang pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, Mayo 26, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang mga importanteng impormasyon lamang ang dapat kunin mula sa mga nagpaparehistro upang mapabilis ang proseso. 

“Ito (memorandum) po ay ilalabas natin at ang mga importanteng puntos po dito — papaspasan ang paggawa ng mga masterlist at sisimplehan lang ang data at impormasyon na kailangan i-fill up sa registration. Kung the simpler, the better. Mahirap ‘yong marami pang masyadong itinatanong at natatakot ‘yong ating mga mamamayan sa pagrerehistro,” saad ni Año. 

Siniguro din niyang magpapatuloy ang pagpapalaganap ng impormasyon upang hikayatin ang publiko na magpabakuna. 

“Tuloy-tuloy na information campaign, aggressive information campaign para maengganyo ang ating mga kababayan na magpabakuna. Bukod sa mga online meetings, social media, pati traditional methods ay dapat gamitin katulad ng pagbabandilyo sa mga sulok-sulok ng ating mga barangay,” dagdag niya. 

Iniulat din ni Año na nakapaghanda na ang 25,994 na LGU ng kani-kanilang vaccination plan para sa inaasahang pagdating ng dagdag na suplay ng bakuna sa mga susunod na buwan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.