MGA LOKAL NA OPISYAL MAAARING PANAGUTIN KUNG HINDI MAPAGBABAWALAN ANG MASS GATHERINGS — DILG

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Maaaring administrative complaint or criminal case ang isampa laban sa pabayang LCEs (local chief executives). Hindi po gusto ng DILG (Department of the Interior and Local Government) na dumating sa puntong gawin ito, kaya sana ipatupad nang maayos ng LGUs (local government units) ang polisiya sa mass gatherings ayon sa quarantine classification sa kanilang lugar.” 

Ito ang ipinahayag ni DILG Secretary Eduardo Año kaugnay sa posibilidad na makasuhan o papanagutin ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan kung hindi nila magagawang mapahinto ang pagsasagawa ng mass gatherings o pagtitipon-tipon ng malalaking grupo sa kani-kanilang mga lugar na nasasakupan.

Sa ilalim ng panuntunan na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases noong Abril 15, 2021, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga pagtitipon-tipon sa loob at labas ng mga kabahayan sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), modified ECQ (MECQ), at general community quarantine (GCQ).

Maaari namang magtipon-tipon ng hanggang sa 50 porsyentong seating o venue capacity ang mga nasa lugar na nakapailalim sa modified GCQ (MGCQ).

Samantala, pinapayagan naman ang mga pagtitipon na may kinalaman sa mga serbisyong ibinibigay ng pamahalaan at awtorisadong humanitarian activities sa ilalim ng ECQ, MECQ, GCQ, at MGCQ.

Ipinagbabawal naman ang mga pagtitipon na may kinalaman sa pagsamba o pananampalataya sa ilalim ng ECQ, ngunit maaari itong isagawa sa mga lugar na naka-MECQ mula 10 hanggang 30 porsyentong seating capacity, at alinsunod sa mga regulasyon na ipinatutupad sa mga lokal na pamahalaan. Maaari naman itong isagawa sa mga lugar na nasa GCQ basta’t lilimitahan lamang ito mula 30 hanggang 50 porsyento seating capacity, at hanggang 50 porsyentong seating capacity naman para sa mga lugar na nasa MGCQ na quarantine status.

Sa mga lugar na naka-ECQ at MECQ naman, pinahihintulutang dumalo sa burol at libing ang mga pamilya ng mga pumanaw, maliban na lamang kung Coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang dahilan ng pagpanaw ng ibuburol o ililibing. 

Bawal pa rin ang pagbubukas ng mga sinehan at pagsasagawa ng concerts, sporting events, work conferences, at mga aktibidad na may kinalaman sa paglilibang sa mga lugar na nakapailalim sa ECQ, MECQ, at GCQ. Pinahihintulutan naman ang pagsasagawa ng naturang mga aktibidad sa ilalim ng mga lugar na naka-MGCQ basta’t susundin lamang ang hanggang 50 porsyentong seating capacity at hangga’t susundin ng mga establisyimentong magsasagawa ng mga ito ang mga panuntunan hinggil sa tamang bentilasyon.

Hinihikayat naman ang publiko na magsampa ng reklamo laban sa mga lokal na opisyal na hindi tumatalima sa nasabing mga kautusan sa pamamagitan ng pagdulog sa DILG Regional Offices o pagpapadala ng mensahe sa email address ng DILG Emergency Operations Center na dilgeoc.complaint@gmail.com o pagtawag sa kanilang telepono sa numerong (02) 8876-3454 local 881 to 884.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.