Mga ospital sa Metro Manila naghahanda na sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinabi ng Philippine General Hospital (PGH) at Lung Center of the Philippines (LCP) na nakahanda sila sakaling biglang umangat ang mga kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa pagkalipas ng pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ani PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, inaasahan na raw ng ospital ang ganitong insidente dahil sa mga ginawang pagluluwag pagdating sa movement restrictions o paggalaw ng tao.

“Papasok na ang holiday, nakikita rin natin sa mga social media account minsan may mga pinapakita silang mga lugar na medyo matao at [ang] mga tao [ay] nagpupuntahan din sa kani-kanilang mga kamag-anak, plano nila sigurong magkaroon ng reunion kahit ayaw ng gobyerno. Pero handa po kami, hindi naman po namin binawasan ‘yong mga kama sa COVID, tuloy po ‘yong COVID operations ng PGH,” paglalahad ni Del Rosario.

Sa kabila nito, umaasa ang tagapagsalita ng PGH na hindi magkakaroon ng masyadong mataas na COVID-19 surge sapagkat binuksan na aniya nila ang ospital para rin sa non-COVID patients.

Ayon pa kay Del Rosario, mayroong 200-bed capacity ang PGH at 97 sa mga ito ang kasalukuyang okupado na ng COVID-19 patients.

Samantala, inihayag naman ni LCP head of administrative services Antonio Ramos na pababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing ospital.

Mayroon naman aniya itong 70-bed capacity, at 26 sa mga ito ang kasalukuyang ginagamit ng mga pasyente ng COVID-19. Ayon kay Ramos, kung kinakailangan pang magdagdag ay hihingi pa ang ospital, ngunit sa kasalukuyan ay mayroon din naman aniya silang volunteers mula sa Department of Health.

“Kasama ito sa pakiusap sa ating mga kababayan, pwede namang mag-exchange gift, ‘wag na lang kayo kumain nang sabay-sabay. Mag-ingat tayo sa community, karamihan po ‘yon nakukuha sa pagkain nang sabay-sabay, inuman, videoke,” pagpapatuloy ni Ramos.

Nitong Lunes, Disyembre 14, ay iniulat ng DOH na may nadagdag na 1,399 sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, sapat upang pumalo na sa 450,733 ang kabuuang bilang nito. Mula rito, 23,253 naman ang nananatiling aktibong kaso.

Base naman sa pagtataya ng OCTA Research Team ng University of the Philippines, maaaring lumobo pa mula 470,000 hanggang 500,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa pagsapit ng Disyembre 31.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.