Mga pamilya ng sundalo, kasali na sa prayoridad ng gobyerno sa pagbabakuna kontra COVID-19

Ni Monica N. Ladisla
Source: Phil. Army Facebook
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Wala umanong pagbabago sa vaccine recipient prioritization ng gobyerno at nais lamang umanong idagdag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pamilya ng mga sundalo, ayon sa Palasyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, susundin ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Infectious Diseases ang hiling ng Pangulo at isasama ang mga pamilya ng sundalo sa mga mababakunahan ng libre.

“Well, I think hindi naman po nababago. Ang ineexpand lang niya ay kasama yung mga pamilya ng mga kasundaluhan, and that’s out of recognition na on the part of the President, talagang importante po ang papel na ginagampanan ng ating men in uniform because theirs is maintenance of peace and order in our society,” paglilinaw ni Sec. Roque.

Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo kamakailan, inihayag niya na kakausapin umano niya si Vaccine Czar Carlito Galvez upang maisama ang pamilya ng mga sundalo sa mababakunahan.

Wala naman umanong dapat ipag-alala ang publiko sapagkat inaasahang mas marami pang bakuna ang darating sa bansa sa huling yugto ng 2021.

“‘Wag naman po kayo mag-alala kasi ang ating initial list, 24 million ang ating babakunahan. If at all, siguro madadagdagan po ito ng mga two million if there are three members of family of the men in uniform. At sobra sobra naman po ‘yung inaasahan na nating dadating na bakuna by second or third quarter of the year,” paliwanag ni Sec. Roque.

Layon ng gobyerno na makabili ng 148 milyong doses ng COVID-19 vaccines upang mabakunahan ang humigit kumulang 50 milyong katao ngayong taon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.