MGA PROBINSYA LANG NA MAY SOBRANG SUPLAY ANG MAGDADALA NG BABOY SA NCR — DA

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na patuloy pa rin ang pagpapadala ng produktong baboy mula sa mga karatig probinsya sa Metro Manila upang tugunan ang mataas na presyo at pangangailangan nito ngunit ang mga rehiyon lang umano na may sobrang suplay o surplus ang maaaring magsagawa ng delivery. 

“Due to the insufficient supply of hogs in Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1, 2, 8, and 13, no deliveries are expected from these areas,” saad ng DA sa isang memorandum na ibinahagi sa mga reporter kahapon.

Bago ang implementasyon ng 60-day price ceiling para sa mga produktong karne sa Metro Manila ay tinanong ng Kongreso kung bababa ba ang sariling suplay ng mga probinsyang nagsusuplay sa NCR. 

Nakipagkasundo ang DA sa mga hog raiser na may malaking produksyon katulad ng mga nasa Soccsksargen upang regular na maghatid ng suplay ng baboy sa Metro Manila. Ayon naman sa datos na galing sa ahensya, ang Regions 5, 6, 7, 9 at BARMM ay hindi nakapag-deliver noong Linggo.

“Bicol Region has no issuance of shipping permit during weekends while Zamboanga Peninsula has no issuance of Animal Health Certificates for live swine bound to NCR,” saad ng ahensya.

Ang pinakamalaking suplay ng baboy ay nanggaling sa CALABARZON partikular na sa mga probinsya ng Batangas, Rizal, at Quezon na may 2,079 baboy o 79 percent ng kabuuang deliveries noong Linggo. Sinundan ito ng MIMAROPA na nakapagsuplay ng 403 baboy mula sa Oriental Mindoro.

Iniulat ng National Meat Inspection Service (NMIS) na noong Marso 6 ay mayroong 6,563 na baboy ang kinatay at nakapag-produce ng 445,461.40 na kilo ng karne.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.