MGA REHISTRADONG BOTANTE NA NASAWI DULOT NG PANDEMYA, TATANGGALIN SA LISTAHAN NG COMELEC

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nagbabalak ng i-update ng Commission on Elections ang listahan ng mga rehistradong botante upang hindi na maisama sa opisyal na listahan ang mga nasawi, kabilang na ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Sa pahayag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, kailangan umano nila ng tulong ng mga kaanak ng mga nasawi dulot ng pandemya na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na COMELEC office sa kanilang lugar upang matanggal ang pangalan ng mga ito sa listahan.

“Yan po ang namumuong problema dahil nakikita natin, sobrang dami ng pumapanaw dahil sa COVID, pero hindi naman natin naririnig na nagre-report sila sa Comelec office,” ani Jimenez.

Dagdag pa niya, “Ako, halimbawa, I had a death in the family. Ayokong mangyaring on election day, makita ko pangalan ng kamag-anak ko. Kailangan po makipag-ugnayan tayo sa Comelec office kung saan nakapagparehistro ‘yung pumanaw para matanggal na po natin sa lalong madaling panahon.” 

Kailangan umanong magdala ang mga kaanak ng nasawi ng death certificate upang maproseso ang pagtanggal ng mga ito sa listahan.

“Ayaw naman nating magamit ang paraan na ‘yan para magtanggal ng tao na hindi naman karapat-dapat na matanggal. We need to be sure na authentic ‘yung kanilang death certificate,” paliwanag ni Jimenez.

Nakatakdang magtapos ngayong Setyembre 30, 2021 ang voter registration para sa 2022 national elections.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.