Nanawagan ang Task Force COVID-19 Adverse Effects sa publiko na sa halip na i-post sa social media ang mga negatibong epekto ng bakuna ay ipagbigay-alam na lamang ito sa tamang otoridad.
Ayon kay Dr. Maricar Ang, pinuno ng naturang task force, maaari umanong matakot ang nakararami sa bakuna kung ibabahagi ng mga nagkaroon ng negatibong epekto rito sa social media ang kanilang pinagdaanan.
“It may result in many people fearing the vaccine if they post on social media the adverse effects without any proof that it was caused by the vaccine given to them,” ani Dr. Ang.
Dagdag pa niya, “There is a proper forum for reporting. There is a group in charge of getting adverse effects following immunization.”
Mas maigi pa rin umanong sa tamang ahensya idulog ang anumang kasong may kinalaman sa epekto ng bakuna upang matukoy kung dahil nga ba ito sa bakuna.
“We need to analyze if the adverse effects, like allergies, are really due to the vaccine or not,” ani Dr. Ang.
Kaugnay nito, iginiit muli ni Dr. Lulu Bravo ng Philippine Medical Association for Immunization sa publiko na magtiwala sa mga eksperto pagdating sa mga bakuna.
“As I have always mentioned, we have to trust experts. They were the ones looking at all the data. It’s easy to make a judgment but it’s not easy to pour and look over at scientific data to really come out and say ‘okay, this is best for us now’”, paliwanag ni Dr. Bravo.