MGCQ MAAARING IPATUPAD SA BUONG BANSA SA UNANG BAHAGI NG 2021

Ni Monica N. Ladisla
Source: Philippine News Agency
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring ibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang klasipikasyon ng quarantine status sa bansa sa unang bahagi ng 2021.

Subalit, hindi umano ibig sabihin nito na kailangan pang hintayin ang susunod na taon bago maibaba ang klasipikasyon sa MGCQ. Aniya, patuloy pa ring pinag-aaralan ng gobyerno ang sitwasyon upang maibaba sa MGCQ ang mga lugar na kasalukuyang nasa General Community Quarantine (GCQ) pa rin.

“We’re hoping that all parts of the Philippines will be under MGCQ. Pero hindi naman po ibig sabihin nyan na the current classifications will remain until December,” paliwanag ni Sec. Roque.

Dagdag pa niya, “Kaya nga po ‘yung ini-release na classifications ni Presidente are only good for November. Titingnan natin kung pwede pa mag-MGCQ ang iba’t ibang lugar.”

Kamakailan, inihayag ng Department of Health ang posibilidad na ibaba ang klasipikasyon ng Metro Manila sa MGCQ sa unang bahagi ng 2021, subalit nilinaw ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangang may sapat at epektibong surveillance at contact tracing systems ang mga lokal na pamahalaan bago ito maipatupad.

Ayon pa kay Usec. Vergeire, kailangan umanong makumpleto ang lahat ng mga panuntunang inilatag nila upang makontrol ang pagkalat ng virus at mapadali ang pagdetect, pag-isolate, at paggamot sa mga nag-positibo rito.

“Doon sa targets and milestones na ating inilatag, aming tinitingnan na baka by first quarter of 2021, hopefully, all local governments will be able to shift to MGCQ already because they have achieved their gatekeeping indicators,” pahayag ni Usec. Vergeire.

Mananatiling nasa GCQ ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao del Sur ngayong buwan ng Nobyembre.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.