MGCQ STATUS SA METRO MANILA NGAYONG NOBYEMBRE, HINDI IMPOSIBLE AYON SA PALASYO

Ni Monica N. Ladisla
Source: PCOO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

May posibilidad pa rin umanong ilipat sa Modified General Community Quarantine ang Metro Manila sa Nobyembre kung tuluy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID dito ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council.

“Kung magtutuluy-tuloy po itong ating trend, itong pagbaba ng ating cases at ‘yung recovery natin umaabot na ng more than 90% ‘yung ilang LGU (local government unit) natin sa recovery at ipapagpatuloy natin ‘yung ating pagdisiplina sa ating mga constituents, palagay ko po baka itong katapusan ng October na ito matatapos natin ang GCQ at hopefully, with God’s grace itong darating na November baka mag MGCQ na tayo sa pahintulot ng ating mahal na Presidente”, paliwanag ni Mayor Olivarez.

Gayundin ang pananaw ng Palasyo at aniya, hindi imposible na mangyari ito subalit paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “nasa kababayan pa rin po natin ‘yan sa Metro Manila, alam na po natin ang dapat gawin: mask, hugas, iwas”.

Kamakailan, naglabas din ng pag-aaral ang UP OCTA Research na nagpapakita ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa subalit ayon sa mga eksperto nito, mas makabubuting huwag munang baguhin ang community quarantine policies ng Metro Manila.

Ibinahagi rin ni Mayor Olivarez na pag-aaralan pa ng mga lokal na pamahalaan ang unti-unting pagluwag ng curfew upang makatulong sa ekonomiya ng bansa.

“Sa susunod po na meeting po namin, iyan po ay isa sa main agenda po natin para mabuksan na po natin ang economy”, pahayag ng alkalde.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.