MINIMUM WAGE WORKERS, OFWs BABAKUNAHAN KONTRA COVID-19 SA LABOR DAY

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Libu-libong minimum wage workers, o iyong mga kumikita ng pinahihintulutang pinakamababang halaga ng pasahod sa bansa, at overseas Filipino workers o OFWs ang nakatakdang turukan ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) kasabay ng paggunita sa Labor Day ngayong darating na Mayo 1, 2021.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Martes, Abril 27 kung saan sinabi ng Kalihim na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 5,000 doses ng COVID-19 vaccines na ipamamahagi sa vaccination ceremony para sa naturang grupo.

“The DOLE has been directed to create a masterlist to ensure the equitable representation of the labor sector during the said ceremony,” pahayag ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang ang minimum wage workers at mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa sa listahan ng mga prayoridad na mabigyan ng bakuna ayon sa COVID-19 vaccination program ng bansa, kung saan kasama sila sa A4 na grupo o iyong mga tinatawag na essential economic workers.

Sa  ilalim ng IATF Resolution Number 112, inaprubahan ang naunang nabanggit na kahilingan ng DOLE bilang pagpupugay sa mga manggagawang kasama sa A4 priority group.

Nakatakda pa lamang na maglabas ang Department of Health ng mga panuntunan tungkol sa pagbabakuna ng frontline workers na nasa A4 na kategorya. 

Nauna nang sinabi ni Secretary Roque na plano ng pamahalaan na mabakunahan na ang mga kasama sa kategoryang ito sa darating na Hunyo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.