Tiklo sa buy-bust operation ng Quezon City Police District ang dalawang miyembro ng “Trese Hudas” drug and robbery holdup group nitong Agosto 2 sa Novaliches.
Arestado ang magkapatid na sina Nathaniel Tadeo, 29, at Elias Tadeo, 32, ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Nakulimbat sa mga suspek na dumating sakay ng puting Toyota Fortuner na may plakang NDA 1707 ang P29,000.00 halaga ng marijuana at P320,000.00 humigit-kumulang na 3 kilo ng kaparehong droga.
Pinamunuan ni PLTCOL Hector Amancia ng Station Drug Enforcement Unit ng Novaliches Police Station 4 ang operasyon. Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang “13 Hudas” drug and robbery holdup group ay kilalang may operasyon sa Novaliches at San Mateo, Rizal.