MIYEMBRO NG COAST GUARD, NASALISIHAN SA TAFT, MALATE

Ni Joan Alcantara
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Isang miyembro ng Philippine Coast Guard ang nasalisihan ng cellphone na nagkakahalagang PhP65,000 sa Coffee Project sa Taft Avenue corner P. Ocampo St. Malate, Manila nitong Oktubre 2 bandang 7:05 p.m.

Iniwan lang saglit diumano ng biktimang si Christopher Daño, 42, residente ng No. B1 Lt. 17 Brecia Subd. Lilac St. West Fairview, Quezon City ang cellphone sa isang charging outlet para pumunta sa counter kasama ang kanyang misis nang salisihan ng isang lalaking nakaupo rin sa loob ng shop hindi kalayuan sa mesa ng biktima. 

Nakita sa CCTV na nasa 5 7″ ang taas nito, tinatantiyang 30 taong gulang, at nakasuot ng asul na jacket at itim na pantalon.

Dali-dali itong tumalilis pagkapuslit ng Samsung S9 Plus ng biktima.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Adriatico Police Community Precinct ang kaso gamit ang CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.