MMDA: ‘MGA MENOR DE EDAD, BAWAL DUMALO SA SIMBANG GABI SA GITNA NG PANDEMYA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa Laging Handa online briefing na ginanap nitong Huwebes, Disyembre 3, inanunsyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na bukod sa pagbabawal na makapasok sa mga mall ay hindi rin aniya pahihintulutan ang pagdalo ng mga menor de edad sa tradisyunal na Simbang Gabi ngayong taon.

“Bawal din po sa Simbang Gabi. Pero ang good news naman po, sa Simbang Gabi ay ini-adjust na po natin iyong curfew ng 12:00 a.m. to 3:00 a.m. na lang para bigyang-daan iyong Simbang Gabi ng 3:00 a.m.”

Ang hakbang na ito ay kaugnay pa rin sa pag-iwas sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Nitong Miyerkules, Disyembre 2, ay inanunsyo ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines ang mga panuntunan kaugnay sa pagdalo sa nasabing aktibidad sa gitna ng umiiral na pandemya. 

Isa na rito ay ang paghihikayat na i-live stream ang mga misa para sa mga hindi magagawang magtungo sa simbahan.

Nauna nang inanunsyo ni Garcia na napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na hindi payagang makapunta sa mga shopping mall ang mga menor de edad alinsunod na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan.

Ayon pa sa pinuno ng MMDA, ang mga batang edad 17 pababa ay maaari lamang makapasok sa malls kung importante ang pakay ng mga ito, tulad ng pagkakaroon ng medical appointments.

Ang implementasyon aniya ng nasabing kautusan ay dedepende na sa malls at may-ari ng mga establisyimento, pati na rin sa mga lokal na gobyerno at mga kapulisan. Ang mga kaparusahan para sa lalabag sa naturang kautusan ay magiging base rin aniya sa mga lokal na ordinansa.

Dagdag pa Garcia, ang nasabing polisiya ay ipapatupad habang ang Metro Manila ay nasa ilalim ng general community quarantine.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.