MMDA MULING IPATUTUPAD ANG ‘HEATSTROKE BREAK’ POLICY PARA SA MGA PILING EMPLEYADO NITO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Our personnel’s safety is our paramount concern. This special heatstroke break is available for traffic enforcers and street sweepers who work under the dry season’s searing heat and protect them from heat exhaustion, heatstroke, and heat cramps.” 

Ito ang ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos noong Huwebes, Mayo 6, 2021, kaugnay sa hakbang ng kanyang tanggapan na may kinalaman sa pagpapanumbalik ng ‘heatstroke break’ policy para sa mga empleyado nitong may field-based jobs. Ito ay upang maiwasan ang pagkakasakit ng nasabing mga kawani bunsod ng matinding init panahon.

Sa ilalim ng naturang polisiya, maaaring pansamantalang iwan ng mga traffic enforcer at tagapaglinis ng mga daan ang kanilang pwesto para makapagpahinga sa loob ng 30 minuto. Maaari naman silang magpahinga ng karagdagang 15 minuto kapag umabot na sa 40 degrees Celsius pataas ang temperatura o init sa Metro Manila.

“The heatstroke break shall be done alternately by those who are assigned [to] a particular area to maintain visibility of traffic enforcers and street sweepers and to ensure field operations are not hampered,” saad pa ni MMDA Chairman Abalos.

Ang naturang kautusan, na ipinatupad na noong mga nagdaang taon, ay epektibo hanggang Mayo 31, 2021.

Ayon sa MMDA, ang mga traffic enforcer na magtatrabaho mula 5:00 A.M. hanggang 1:00 P.M. ay bibigyan ng “heatstroke break” mula 10 A.M. hanggang 10:30 A.M. o mula 10:30 A.M. hanggang 11:00 A.M. Iyong mga magtatrabaho naman mula 1:00 P.M. hanggang 9:00 P.M. ay maaaring makapagpahinga mula 2:30 P.M. hanggang 3:00 P.M. o mula 3:00 P.M. hanggang 3:30 P.M. Ang mga enforcer naman na may 6:00 A.M. hanggang 2:00 P.M. shift ay maaaring magpahinga mula 11:00 A.M. hanggang 11:30 a.m. o mula 11:30 A.M. hanggang 12:00 P.M, samantalang ang pahinga naman ng mga magtatrabaho mula 2:00 P.M. hanggang 10:00 P.M. ay mula 3:00 P.M. hanggang 3:30 P.M. o mula 3:30 P.M. hanggang 4:00 P.M.

Sa mga naglilinis naman ng mga kakasaldahan mula 6:00 A.M. hanggang 2:00 P.M., ang iminumungkahing “heatstroke break” ay mula 11:00 A.M. hanggang 11:30 A.M. o mula 11:30 A.M. hanggang 12:00 P.M, samantalang iyong mga magtatrabaho mula 11:00 A.M. hanggang 7:00 P.M. ay bibigyan ng pahinga mula 2:30 P.M. hanggang 3:00 P.M. o mula 3:00 P.M. hanggang 3:30 P.M.

Sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA weather forecaster Raymond Ordinario na maaaring manatili pa ngayong linggo ang init ng temperatura sa Metro Manila.

Samantala, ayon kay Ordinario, posibleng magsimula na ang tag-ulan sa katapusan ng buwang ito o sa unang bahagi ng Hunyo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.