MMFF 2020 GAGAWING ONLINE, 10 PELIKULANG KALAHOK INANUNSYO NA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Metro Manila Film Festival ngayong taon sa kabila ng banta ng pandemya sa bansa.

Sa ginawang press conference nitong Martes, Nobyembre 24 ibinahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gagawing online ang pagpapalabas ng mga pelikula sa MMFF ngayong taon. Naging posible ito sa pakikipag-ugnayan  ng MMDA sa Globe, Upstream, at GMovies.

“Ngayong taong ito, hindi kagaya ng mga nakaraang taon. Tayo ay may problema sa pandemya kung saan ang ating mga cinemas ay hindi pwedeng mag-operate at full capacity. Pero hindi ‘yan sapat na dahilan para itigil natin ang MMFF,” paliwanag ni MMDA Chairman Lim.

Ilan sa mga kalahok na pelikula ngayong taon ay nauna nang sumali sa MMFF Summer edition subalit dahil sa pandemya, ipinagpaliban muna ang pagpapalabas ng mga ito

Ngayong taon, sampung pelikula ang ipapalabas sa publiko, mas marami sa nakagawiang walong pelikula ng mga nagdaang taon.

Ang sampung kalahok na pelikula ay ang mga sumusunod:

  •   Magikland
  •   Coming Home
  •   The Missing
  •   Tagpuan
  •   Isa Pang Bahaghari
  •   Suarez, the Healing Priest
  •   Mang Kepweng, Ang Lihim ng Bandang Itim
  •   Pakboys Takusa
  •   The Boy Foretold by the Stars
  •   Fan Girl

Kaugnay nito, hinimok din ni MMDA at kasalukuyang MMFF Chairman Danilo Lim ang publiko na tangkilikin at suportahan ang selebrasyon ng MMFF ngayong taon. Aniya, magandang pagkakataon umano ito para magsama-sama ang pamilya habang nanunuod ng pelikula sa darating na kapaskuhan.

“Christmas won’t be complete without the MMFF which has been part of the Filipinos’ tradition. We may not enjoy films traditionally in cinemas because of the restrictions brought by the coronavirus disease pandemic, but that will not stop us from bringing cheer to the Filipino families through the MMFF,” pahayag ni MMDA Chairman Lim.

Dagdag pa niya, “MMFF 2020 will not be limited to Filipinos residing in the country, but will allow overseas Filipino Workers (OFWs) to enjoy the festival on a legitimate platform anywhere they are in the world. We are grateful to our partners for making the MMFF 2020 possible. We urge everyone to support the film festival.”

Alinsunod naman sa itinalagang health at safety protocols para sa COVID-19, online na rin mapapanuod ang Parade of Stars at Gabi ng Parangal.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.