Huli ng PNP ang ilan sa most wanted persons ng Palawan sa magkakahiwalay na manhunt operations nitong Valentine’s Day.
Ito ang regalo ng PNP para sa mga biktima ng iba’t ibang karumal-dumal na krimen.
“Justice has eluded the victims of these heinous crimes. With the accused now in custody, we can prosecute the criminal offenders and hold them accountable,” pahayag ni PNP Chief Debold M. Sinas.
Ginawa ang magkakasabay na manhunt sa Linapacan, Coron, at Busuanga sa Hilaga ng Palawan, pati Balabac sa Timog.
Nadakip ang No. 3 Most Wanted na si Rene Alberyo Espina, 40, construction worker, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Nobyembre 24, 2020 ni RTC Br. 163 Presiding Judge Hon. Arnel P. Cezar ng Coron, Palawan dahil sa isinampang kaso na 9 counts ng rape at 2 counts ng statutory rape laban sa akusado.
Huli rin sa Brgy. Bancalaan Balabac, Palawan ang No. 10 Most Wanted na si Benito Fabiano Laurencio, Jr. a.k.a. Onyok, 22, dahil sa kasong rape na isinampa sa sala ni Hon. Ramon Chito R. Mendoza, Presiding Judge ng RTC Br. 165 ng Brooke’s Point, Palawan.
Ang iba pang nadakip na most wanted persons ay sina Alan Jimenez Calix, 36, ng Brgy. Decabaitot Linapacan, Palawan dahil sa paglabag sa RA 10654 (Illegal Fishing) na may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Arnel P. Cezar, Presiding Judge ng RTC Br. 163 ng Coron, Palawan; at Jomark Mac Mac Ello, 29, ng Brgy. Bogtong Busuanga, Palawan, na may kasong frustrated murder.