MRT-3 nakatakdang maglunsad ng contact tracing app

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakatakdang maglunsad ng contact tracing web application sa susunod na linggo ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) upang gawing digital na ang pagproseso nito ng contact tracing sa mga pasahero.

Ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa naturang sektor.

Bukod sa pagpapadali ng proseso ng contact tracing, ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati ang nasabing web app, na tatawaging “MRT-3 Trace,” ay binuo ng kanilang Support Division personnel upang maiwasan din ang direktang pakikipagsalamuha sa pagitan ng mga pasahero at ng kanilang mga kawani.

“MRT-3 Trace is a web application that will help us, so the passengers could avoid further transmission of the virus through direct contact between our commuters and personnel. It will ease the process of contact tracing, and thus, prevent long queues in stations,” paliwanag ni Capati.

Ayon pa kay Capati, ang contact tracing app ay paraan din ng pagpapakita ng suporta ng kaniyang tanggapan sa mga inisyatiba ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, kabilang na ang pag-digitize sa iba’t ibang mga transaksyon, tulad ng contact tracing, sa lahat ng sektor ng transportasyon upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Dagdag pa ng Direktor, maaari nang gamitin ng mga pasahero ang MRT-3 Trace simula sa Lunes, Enero 18, na siya ring soft -launching nito. Gayunpaman, bibigyan naman aniya nila ng sapat na panahon ang publiko upang makapag-download ng naturang app at masanay sa paggamit nito bago pa man ang pormal na implementasyon nito sa darating na Pebrero.

Upang makapagrehistro para sa bagong app, kinakailangang bisitahin ng pasahero ang trace.dotrmrt3.gov.ph at sagutan ang mga mahahalagang impormasyon, tulad ng pangalan, kaarawan, tirahan, at contact number.

Matapos makapagparehistro, kinakailangang i-activate ng user ang location services ng kaniyang smartphone. Kung siya ay nasa MRT-3, kinakailangan niyang i-scan ang quick response o QR code na matatagpuan sa estasyon ng tren.

Pagkatapos ay ipapakita na security personnel ang makukuhang verification message ng user bago siya pumasok sa loob ng estasyon.

“All information gathered will be transmitted to the MRT-3’s Data Center for security and easy tracing of individuals. The MRT-3 Trace is compliant with Republic Act 1017 or the Data Privacy Act,” saad pa ni Capati.

Nilinaw rin ng MRT-3 na libre ang pagrehistro para sa MRT-3 Trace. One-time registration lang din anila ang kailangan para rito upang maiwasan ang pagdodoble ng accounts sa pagitan ng mga pasahero.

Para naman sa mga walang smartphones, maaari pa rin nilang sagutan ang health declaration forms na ibibigay ng security personnel pagkapasok nila sa istasyon ng tren.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.