Patay sa tama ng baril sa leeg ang isang nag-amok gamit ang bolo at nang-hostage ng isang person with disability (PWD) nitong Enero 11 bandang 5:30 p.m. sa Brgy. Isugud.
Dedbol si Bernard Cortez Adial, 48, ng Tagbarokbok Brgy. Isugod Quezon, Palawan sa hostage-taking incident na nirespondehan ng Municipal Police Station ng Quezon, Palawan.
Tumakbo diumano si Adial sa kapitbahay nito kung saan ginawa niyang hostage ang PWD na si Shiela Mae Nadoy Saban, 22, at pinagbantaang papatayin ang biktima gamit ang 24-inch bolo.
Tatagain na sana ng suspek ang biktima nang mabaril sa leeg. Naitakbo pa ito sa Quezon Medicare Hospital ngunit idineklara nang dead on arrival.
Napag-alamang wala pang kain at tulog ang suspek ng dalawang araw bago ang insidente.