NAGAMIT NANG BOTE NG BAKUNA DUDURUGIN PARA HINDI MAGAMIT BILANG PEKENG COVID-19 VACCINE

Ni Raiza F. Cabugwang
Cabinet Secretary Karlo Nograles, Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Upang matiyak na hindi lalaganap ang pekeng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa merkado, ang mga  bote ng bakuna laban sa virus ay agad na dudurugin para hindi na muling magamit. 

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa gitna ng ginagawang paghahanda ng pamahalaan sa pagdating ng unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility sa susunod na linggo. 

“Immediately after magamit ‘yong vial, kailangan durugin para walang mare-recycle at gagamitin pangloko ng ibang tao. Baka merong enterprising diyan na illegal na lalagyan ng tubig ‘yan tapos ibebenta sa black market na exorbitant din ang presyo,” pahayag ni Secretary Nograles. 

Inaasahan ng pamahalaan ang pagdating ng 117,000 doses ng COVID-19 vaccines na binuo ng kumpanyang Pfizer-BioNTech. 

Nagbabala rin ang Kalihim sa publiko na huwag paniwalaan iyong mga nagsasabing mayroon na silang suplay ng naturang bakuna. 

“Wala pa tayong bakuna right now dito sa bansang Pilipinas. Sa kung merong nag-aalok sa inyo, that means illegal ‘yon. 

Hindi aniya dapat ikompromiso ng taumbayan ang kanilang kalusugan para sa mga umano’y COVID-19 vaccines na ito. 

“Hindi pa namin ma-guarantee sa inyo kung ano ang nilalaman ng vial na ‘yan, kung tubig ba ‘yan, ice water ba ‘yan, or alcohol ba ‘yan,” pagpapatuloy ni Nograles. 

Ayon pa sa Kalihim, hindi ipinagbibili ang nasabing bakuna at ang gobyerno lamang ang tanging magbibigay nito. 

Mayroon na ring listahan ang pamahalaan ng mga grupong bibigyang-prayoridad nito sa pagbabakuna. 

“Kung may nag-aalok sa ‘yo at hindi ka naman medical at health frontliners, peke ‘yon,” saad pa ni CabSec Nograles. 

Sa kasalukuyan, nabigyan na ng pamahalaan ng emergency use authorization ang mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca. Ang unang batch ng Pfizer-BioNTech vaccines ay nakalaan para sa healthcare workers ng bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.