NAGTAHAN OFF-RAMP NG SKYWAY STAGE 3 BUKAS NA SA MGA MOTORISTA — DPWH

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw, Abril 22, ang pagbubukas ng Nagtahan off-ramp ng Skyway Stage 3 sa mga motorista.

Sa isang video na ipinost sa kaniyang Facebook page, inanunsyo ni DPWH Secretary Mark Villar ang pagbubukas ng off-ramp.

“Good morning to everyone, I’m here right now at the Nagtahan ramp of the Skyway. Behind me is the Nagtahan ramp, and as of today, this will be open to motorists this afternoon, if you are going to Manila area you can already use this later,” saad niya.

Ayon kay Villar, ang kanyang biyahe mula Maynila hanggang Muntinlupa ay nagtagal lamang ng 30 minuto sa pamamagitan ng rampa at layunin umano nilang tapusin ito sa susunod na buwan.

Noong Enero 14 ay pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbubukas ng Metro Manila Skyway Stage 3 na nagkokonekta sa SLEX at NLEX.

Ang Php44.6 bilyong proyektong ito ay nasa ilalim ng Build, Build, Build program na bahagi ng plano ng pamahalaan upang i-decongest ang EDSA.

Ang naturang proyekto ay nagkokonekta sa NLEX at SLEX kung kaya’t ang travel time ay mapapaiksi hanggang 30 minuto mula sa dating dalawang oras kung dadaan sa EDSA, habang ang biyahe mula Makati hanggang Quezon City ay kayang takbuhin ng mga motorista sa loob ng 20 minuto.

Inililihis ng bagong expressway ang nasa 55,000 motorista araw-araw mula sa traffic sa EDSA. Ang Skyway Stage 3 project ay may walong entry at exit ramps na matatagpuan sa Buendia, Plaza Dilao, Nagtahan, E. Rodriguez, Quezon Avenue, Sgt. Rivera St., at NLEX.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.