Nasa 3,000 rebelde, sumuko sa PNP. Humihinang pwersa ng CPP-NPA, lalo pang napilayan

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas kahapon na ang pagsuko ng nasa halos 3,000 komunistang rebelde mula Enero hanggang Nobyembre ng taong ito at mga nabigong operasyon ay nagpahina sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Sinas, sa loob ng labing isang buwan ay 2,829 na miyembro ng CPP-NPA ang sumuko, 366 ang naaresto, at 117 ang nasawi sa mga operasyon.

Sa mismong araw ng ika-52 anibersaryo ng pagkakatatag ng komunistang orginasasyon sa bansa noong Disyembre 26, 35 na komunistang rebelled ang sumuko at tinalikuran ang kanilang pagiging kasapi sa CPP at NPA sa mga rehiyon ng Caraga at Eastern Visayas.

Sa parehong araw ay dalawang may ranggo na CPP-NPA-National Democratic Front leaders na pinaghahanap ngayon ng korte dahil sa kasong kidnapping at murder ay nahuli sa porbinsya ng Quezon.

Dagdag pa niya, ang pagkakapasa at implementasyon ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020 ay nagbigay ng iba pang oportunidad sa PNP upang tuluyan nang tuldukan ang terrorismo sa bansa.

Ayon kay Sinas, naipasok na nila ang 350 na nagbalik-loob na rebelde sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at amnesty program. Nasa 407 na isinukong armas ang iprinoproseso ngayon para sa pagkakaroon ng benepisyo mula sa pamahalaan sa ilalim ng E-CLIP.

Sa ilalim ng Executive Order No. 70, ang mga sumuko at nagbalik-loob na rebelde ay tutulungan at bibigyang oportunidad ng pamahalaan upang makapagsimula ng bagong buhay kasama ng kanilang mga pamilya bilang mga malalayang mamamayan.

Sa kabila nito, ayon kay Sinas, mananatili pa ring nakaalerto ang PNP upang siguraduhing nababantayan ang nalalabing lakas at kakahayan ng mga armadong rebelde.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.