NASA P45-M NATIPID SA BODY CAMS GINAMIT SA CCTV — PNP

Ni Trish Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa PhP45-milyong natipid sa procurement ng Body-Worn Camera System (BWCS) ng PNP ang gagamitin sa CCTV Rapid Deployment System para sa counter-terrorism operations ng kapulisan.

Ito ang isiniwalat ni PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa isang pahayag nitong Hunyo 6 matapos ang naging launch ng BWCS.

Sa PhP333-milyong badyet, nasa PhP288-milyon lang ang naging halaga ng procurement ng 2,696 body-worn camera units sa isang public bidding, kasama na ang accessories, video management software, computer servers, storage at connectivity systems ng camera units, installation ng central data center, national management at monitoring center, 17 regional monitoring centers, at 81 provincial monitoring centers.

“Medyo malaki po ang natipid natin sa pag-set up ng ating BWCS at ito ay nagpapatunay na ang perang ipinagkakatiwala ng taumbayan sa ating PNP ay fully accounted hanggang kahuli-hulihang sentimo,” pahayag ng PNP Chief.

Isinama ang natipid na halaga mula BWCS sa nasa PhP19-milyon namang savings mula pagpapaganda ng PNP Command Center para sa procurement ng CCTV Rapid Deployment System na nasa PhP60-milyon.

Mayroong 10 CCTVs na may artificial intelligence, video management, 10 CCTV mobile trailers, at 10 generators ang CCTV Rapid Deployment System. Bawat camera ay pwedeng lagyan ng nasa 200 litrato ng mga wanted na kriminal at terorista.

Bawat trailer naman ay may tatlong cameras.

Nasa PNP na ang cameras at hardware at inaasahang makukumpleto ang delivery itong Hulyo 2021.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.