NBI inutusan ng Pangulong arestuhin ang mga gumagamit sa pangalan niya at ng kaniyang gabinete

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa taped speech ng Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ay inutusan niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-double time sa pag-aresto ng mga indibidwal na gumagamit sa pangalan niya at ilang miyembro ng gabinete upang makapagsara ng mga deal para sa mga proyekto ng gobyerno. 

Ayon pa sa Pangulo, nais niyang dalhin ng NBI personnel ang mga nasabing indibidwal sa kaniyang opisina sa Malacañang bago idiretso ang mga ito sa prisinto. 

“I am calling on the NBI to double their time pangpahuli nito. Hulihin ninyo ito tapos kung ma-detain ninyo ‘yan sa gabi, bago niyo dalhin sa korte, idaan mo nga sa Malacañang. Tingnan ko lang ang pagmumukha nito,” saad niya.

Dagdag pa nya, ang ilan daw sa mga ito ay umabot pa sa pagpapakita ng larawan kasama siya at nagsabing kilala sila nang personal ng Pangulo. 

“Yung gamitan ng pangalan, alam mo kami pulitiko, lalo na nung eleksyon kung sino lumapit samin magpa-photo, e, pulitiko. Ngayon peace time na, tapos na ang eleksyon, itong lokohan na pakita nila katabi ko sila, o sa kasal magkumare-kumpare kami tapos may nilalakad tapos sabihin na lalakarin namin yung papel mo, bigyan mo kami ng downpayment,” paliwanag ng Pangulo.

Aniya, hindi na kailangang gamitin ng mga ito pati ang pangalan ng kaniyang gabinete kung ang mga kontratang inaalok ng mga ito ay malinis at maayos. 

“’Pag binanggit ‘yung pangalan ni Secretary Lorenzana, Secretary Galvez, Secretary Duque, ‘pag ginamit yung mga pangalan nila sa mga contract, the mere fact na nagamit yung pangalan, wala ‘yan. Ito yung mga parasites, mga linta and they thrive on the gullible. Pati yung naïve, na lolokohin mo kapwa tao. Kung straight ka, ang contract mo maganda, kumpleto, walang kulang, you do not have to convince anybody that it is really good because it is really good,” aniya. 

Nais umano ng Pangulong makausap nang personal ang mga indibidwal na ito upang tanungin kung bakit kailangan ng mga itong gumawa ng mga ganitong aktibidad. 

“Para matapos na ito, lahat sa NBI, pati pulis, sa lahat ng mahuli ninyo sa mga gan’un, dalhin ninyo sa opisina ko. Gusto ko lang sila kausapin. Gusto ko lang makausap bakit ganyan ang hanapbuhay nila kasi lokohan, e. ‘Yan ang problema diyan. Alam mo, walang manloloko, kung walang magpapaloko,” pagbibigay-diin ng Pangulo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.