NCR PLUS, 3 PANG LUGAR NAKA-MECQ HANGGANG ABRIL 30

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph; RTVM
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ibinaba na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang quarantine status ng NCR Plus, na kinabibilangan ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ang naturang pasya ng Pangulo ay magiging epektibo ngayong Lunes, Abril 12, 2021, hanggang sa katapusan ng buwan.

Kasama rin sa listahan ng mapapasailalim sa MECQ ang Santiago City sa Isabela, Quirino province, at Abra. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na siyang nag-anunsyo ng bagong klasipikasyon, ginawa ng Pangulo ang naturang desisyon matapos mangako ang maraming pampubliko at pampribadong ospital sa bansa na sila ay maglalaan ng mas marami pang kwarto at kama para sa mga pasyente ng COVID-19.

Noong nakaraang linggo ay hinimok ni Pangulong Duterte ang Philippine Health Insurance Corporation na madaliin ang pagbabayad sa mga hindi pa nababayarang COVID-19 claims sa mga ospital.

“Dahil sa direktiba ng Pangulo sa PhilHealth na magbayad sa mga ospital na mayroong unpaid COVID claims, marami sa ating private, national government, at LGU (local government unit) hospitals ay nag-commit na daragdagan ang COVID-19 beds, lalo na ang ICU (intensive care unit) beds sa NCR Plus,” pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Ayon kay Roque, nangako ang mga pampribado at pampublikong ospital sa NCR Plus na sila ay maglalaan ng 164 ICU beds para sa mga pasyente ng COVID-19 na nasa kritikal na kalagayan, at 1,157 na regular na COVID-19 beds naman para sa mga pasyente na nasa moderate at severe na kondisyon.

Samantala, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, kasabay ng pagpapatupad ng bagong quarantine status ay babaguhin na rin ang unified curfew hours sa Metro Manila. Mula sa dating curfew hours na 6:00 p.m. hanggang 5:00 a.m., ay magsisimula na ang curfew sa 8:00 p.m. hanggang 5:00 a.m.

Magtatagal ng hanggang Abril 30 ang naturang bagong curfew hours, bagama’t ayon kay Abalos ay maaari naman itong baguhin ng mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan alinsunod sa mga bagong inaprubahang panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

Base sa bagong guidelines ng IATF na nagkabisa noong Abril 3, 2021, kailangan pa ring sumunod sa mahigpit na home quarantine ang mga mamamayan sa ilalim ng MECQ. Limitado lamang ang paggalaw ng mga tao sa pagbili o pagkuha ng mga mahahalagang produkto o serbisyo, pagpasok sa mga pinapayagang magbukas na mga tanggapan o establisyimento, at pagsasagawa ng mga aktibidad na pinahihintulutan ng nasabing panuntunan.

Ang mga indibidwal edad 18 taong gulang, at iyong mga lagpas 65 taong gulang, pati na iyong mga may immunodeficiency, comorbidity, at iba pang mga may banta sa kalusugan, at maging ang mga buntis, ay kinakailangang manatili sa loob ng kanilang mga tahanan, maliban na lamang kung sila ay bibili o kukuha ng mga produkto o serbisyong kanilang kinakailangan, o kung sila ay kinakailangang pumasok sa trabaho.

Sa ilalim din ng nasabing panuntunan ng IATF, hindi maaaring magbukas ang sumusunod na mga establisyimento sa gitna ng ipinapatupad na MECQ:

  • Entertainment venues na may live performers, tulad ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, teatro, at mga sinehan;
  • Recreational venues tulad ng internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, at iba pang katulad na mga lugar;
  • Amusement parks o theme parks, perya, kid amusement industries tulad ng mga palaruan, playroom, at kiddie rides;
  • Outdoor sports courts o mga lugar kung saan isinasagawa ang contact sports, mga bakbakan, laro, at iba pang katulad na mga aktibidad;
  • Indoor sports courts o venues, fitness studios, gyms, spas at iba pang indoor leisure centers o pasilidad, at swimming pools;
  • Casinos, horse racing, sabungan, lottery at betting shops, at iba pang gaming establishments, maliban na lamang iyong mga nasa operasyon sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office;
  • Indoor visitor o tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, cultural shows, at exhibits;
  • Outdoor tourist attractions;
  • Mga lugar kung saan isinasagawa ang mga pagpupulong, incentives, conferences, at exhibitions;
  • Personal care services, kabilang na ang beauty salons, derma clinics, spas, at iba pang mga katulad na mga establisyimento; at,
  • Indoor dine-in services. 

Samantala, mapapasailalim naman sa general community quarantine o GCQ ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, Lanao del Sur, at Quezon.

Mananatili naman sa pinakamaluwag na quarantine status ng bansa na modified general community quarantine o MGCQ ang iba pang mga lugar sa bansa hanggang sa katapusan ng buwan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.