NCR PLUS, IBA PANG LUGAR SA BANSA, ISINAILALIM SA GCQ ‘WITH HEIGHTENED RESTRICTIONS’

Ni Raiza F. Cabugwang
Pangulong Rodrigo Duterte, Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, Mayo 13, 2021, sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang NCR Plus, na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, mula Mayo 15 hanggang 31, 2021.

Ang naturang desisyon ng Pangulo ay base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Idineklara rin sa ilalim ng parehong kategorya ng quarantine ang mga lugar na nasa Cordillera Administrative Region (CAR), kabilang na ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Samantala, ang Santiago City at Quirino Province sa Region 2; Ifugao sa CAR; at Zamboanga City sa Region 9 ay isinailalim naman sa modified enhanced community quarantine o MECQ.

Mapapasailalim naman sa modified general community quarantine o MGCQ ang iba pang mga lugar sa bansa.

Sa kanyang “Talk to the People” noong Huwebes ng gabi, Mayo 13, umapela ang Pangulo sa publiko na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng mga pagtitipon na may kinalaman sa pananampalataya, lalo na aniya ngayong buwan ng Mayo, kung kailan ipinagdiriwang ang maraming kapistahan.

“I’ll be more direct than what is written here. I don’t attribute it to any particular religion or what, but there are a lot of fiestas because we are predominantly Catholic country. I’m asking you not only to tone down [but] forego because we have laws. Forego to congregate, to crowd. There’s no problem. God knows we love Him, but the problem is the necessary consequence of it all. Be mindful of that because we are still in the pandemic,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng mas pinahigpit na GCQ, pinapayagan ang mga sumusunod:

  • Essential travel o pagbiyahe kung may napakahalagang kadahilanan papunta at palabas ng NCR Plus;
  • Indoor dine-in services o pagkain sa loob ng mga establisyimento sa NCR Plus nang hanggang 20 porsyentong seating capacity o hanggang 50 porsyentong seating capacity naman para sa al fresco dining o pagkain sa labas;
  • Hanggang 30 porsyentong venue capacity sa mga outdoor na pook-pasyalan sa NCR Plus. Kinakailangan pa ring sumunod ang mga ito sa minimum public health standards;
  • Specialized markets ng Department of Tourism (DOT), basta’t susundin ng mga ito ang minimum public health standards at ipatutupad ng mga ito ang mga panuntunan at paghihigpit na itinakda ng DOT;
  • Hanggang 10 porsyentong venue capacity para sa mga pagtitipon na may kinalaman sa pagsamba o pananampalataya at mga pagtitipon para sa lamay, burol, at iba pang katulad na mga aktibidad para sa mga pumanaw, maliban na lamang kung ang pagpanaw ay bunsod ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa NCR Plus;
  • Hanggang 30 porsyentong venue capacity para sa outdoor non-contact sports; at gayundin ang mga establisyImentong naghahatid ng personal care services kung saan hindi na kinakailangang tanggalin pa ang face mask, tulad ng salons, parlors, at beauty clinics; at,
  • Paglabas ng mga indibidwal edad 18 hanggang 65 taong gulang sa mga lugar na naka-GCQ “with heightened restrictions”.

Sa kabilang banda, hindi pa rin maaaring magbukas sa mga lugar na nasa pinahigpit na GCQ ang entertainment venues, tulad ng bars, concert halls, mga teatro; recreational venues, tulad ng internet cafes, bilyaran, arcades; mga parke, perya, palaruan, kiddie rides; indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions; at mga lugar kung saan ginaganap ang mga pagpupulong, conference, at exhibition.

Sa mga lugar na nasa GCQ “with heightened restrictions”, hindi pa rin pahihintulutan ang  pagbiyahe palabas ng NCR Plus, maliban na lamang sa Authorized Persons Outside Residence o APORs.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.