NCR PLUS POSIBLENG ISAILALIM SA GCQ SA MAYO 14 — PALASYO

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Posibleng mailagay ang Metro Manila at apat na karatig-probinsya o NCR Plus sa ilalim ng GCQ sa Mayo 14 kasunod ng pagbaba ng COVID-19 reproduction rate ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw, Mayo 10. 

“I will not second guess the IATF [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases]. But pursuant to the formula, it is possible. Again, the final decision rests with the IATF,” saad niya sa press briefing. 

Sa kabila ng posibilidad ng pagluwag ng quarantine status, sinabi ni Roque na mananatiling sarado ang mga border upang pigilan ang pagkalat ng mga bagong strain ng coronavirus. 

“Kahit anong classification ang irekomenda ng IATF, hindi pa po tayo magbubukas ng ating borders. Bawal pa rin po ang turismo,” saad niya. 

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa bansa ng mga foreigner maliban sa mga diplomat at healthcare workers. 

Pansamantalang ipinagbawal ng Pilipinas ang pagpasok ng mga biyaherong magmumula sa India, Pakistan, Bangladesh, Nepal, at Sri Lanka hanggang Mayo 14 upang pigilan ang pagkalat ng strain ng virus na natagpuan sa India.

“As far as our borders are concerned, I think worldwide ang phenomena is to continue with the travel ban dahil nga dito sa double variants na nanggagaling nga sa India,” dagdag niya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.