NEDA: NAT’L ID MAAARING GAMITIN SA DISTRIBUSYON NG COVID-19 VACCINE

Ni Monica N. Ladisla
Source: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kinokonsidera umano ng pamahalaan na gamitin ang Philippine Identification System o mas kilala sa tawag na National ID para sa targeted distribution ng COVID-19 vaccine sa mga prayoridad na makatanggap nito.

Iminungkahi ito ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. at ani Sec. Chua, maaaring magamit  ang National ID bilang basehan ng distribusyon ng bakuna.

“The vaccine is really a health response, and NEDA is not a health expert or vaccine expert. But because of the National ID, we can help in that aspect,” paliwanag ni Sec. Chua.

Iniulat din ni Sec. Chua na nasa 8.7 milyong katao na ang rehistrado sa Step 1 ng PhilSys registration at inaasahang aabot pa sa mahigit sampung milyong katao ang mairerehistro ngayong taon.

Nakatakda namang magsimula ang Step 2 PhilSys registration sa darating na Enero kung saan kukunin ang biometric information katulad ng fingerprint at iris scan. Upang magawa ito, kinakailangang magpadala ng apat na libong registration kits sa target provinces sa buong bansa.

Inaasahang sa Pebrero na magsisimula ang Step 3 kung saan ipamamahagi na ang PhilSys number at physical ID sa mga nagrehistro.

Kaugnay nito, napag-alaman din ng NEDA na 89 porsyento mula sa 8.7 milyong nakarehistro sa Step 1 ng National ID ang wala pang bank accounts dahil sa kakulangan ng ID at iba pang requirements.  

Dahil dito, ibinahagi ni Sec. Chua na pinag-aaralan ng gobyerno na makipag-ugnayan sa Land Bank of the Philippines upang makatulong sa biometrics registration na kailangan sa pagbubukas ng bank account gayundin sa Step 2 ng PhilSys registration.

Ayon kay Sec. Chua, layon ng gobyerno na magawan ng bank accounts ang 18 hanggang 20 milyong unbanked low-income Filipinos bago matapos ang susunod na taon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.