NOTORIOUS TRUSTED AIDE NG NASAWING ISIS-ASG LEADER HAPILON, PATAY SA ZAMBO POLICE OPS

Ni Joan Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Patay ang isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) at miyembro ng Daulah Islamiyah matapos manlaban gamit ang isang cal.45 pistol sa mga pulis habang hinahainan ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa RA 9516 (Illegal Possession of Firearms and Explosives) nitong Enero 2 bandang 3:00 a.m.

Tatakas sana ang suspek na si Arrasid Adjing Halissam a.k.a. Guru Ara kaya nakipagbarilan sa mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Sa tala ng PNP, naging trusted man si Guru Ara ng patay nang ISIS-ASG leader na si Isnilon Hapilon. Facilitator din diumano siya ng pumanaw na ring Malaysian international terrorist na si Zulkipli Bin Hir a.k.a. Marwan.

“In 2014, the late ISNILON HAPILON together with GURU ARA pledged their allegiance to the ISIS wherein HAPILON was later on pronounced as the “Emir” (leader) of Islamic State (IS) in the Philippines. However, after the death of HAPILON in 2017 in Marawi City, the slain suspect moved to Sulu and merged with the group of Hapilon’s successor, the late DI-ASG Leader Hatib Hajan Sawadjaan,” paliwanag ni PNP-Intelligence Group Acting Director PCol. Warren De Leon.

Napag-alaman ding sangkot ang notorious na si Guru Ara sa paghahasik ng lagim sa Zamboanga Peninsula, tulad na lang ng kidnapping at pagpugot kay Doroteo Gonzales noong 2009; kidnapping nina Kevin Lunsmann, Gerfa Yeatts Lunsmann, at Romnick Jakaria noong 2011; kidnapping ni Warren Richard Rodwell noong 2011; kidnapping ng Chinese nationals na sina Yuan Lin Kai at Jian Luo sa Poblacion Kabasalan, Zamboanga Sibugay noong 2012; at kidnapping ni Sabrina Ikbala-Voon noong 2014 sa Brgy. Mercedes, Zamboanga City.

Nasangkot din si Guru Ara sa bus terminal bombing sa Guiwan, Zamboanga noong 2015 na nag-iwan ng 2 patay at 52 sugatang katao. Kasama rin siya sa kidnapping ni Nwi Seong Hong, isang Korean national ng kaparehong taon sa R.T. Lim, Zamboanga Sibugay.

Noon namang 2019, sangkot din si Guru Ara sa kaso ng Indonesian suicide bombers sa Sulu na nagresulta sa Jolo Cathedral Suicide Bombing na pumatay sa 20 katao at sumugat sa 105 iba pa; at suicide bombing sa military detachments sa Indanan, Sulu na ang isa’y pumatay sa 3 sundalo at sumugat sa 3 sibilyan.

Noong 2020, kasama rin si Guru Ara sa twin bombing sa town plaza malapit sa Jolo Cathedral na pumatay sa 14 katao at sumugat sa 75 iba pa.

Nito lang ay napag-alaman ng PNP na tumutulong diumano si Guru Ara sa pangangalap ng mga bagong miyembro para sa Dawlah Islamiya at pera para sa ASG. May direktang komunikasyon diumano rin ang suspek sa ASG sub-leader na si Mundi Sawadjaan para sa planong terror attack sa Zamboanga Peninsula at Basulta areas.

Nakuha sa crime scene ang isang cal.45 pistol na may magazine, isang hand grenade, at isang improvised explosive device.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.