NTC: ‘LUMANG PHONE NUMBER PWEDE PA RING MAGAMIT KAHIT MAGPALIT NG NETWORK SIMULA SA SETYEMBRE 30′

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa ginanap na pagdinig sa Senado nitong Miyerkules, Enero 27, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na simula Setyembre 30 ng taong ito, maaari nang magamit ng phone users ang kanilang lumang numero kahit na magpalit pa man sila ng networks o subscription.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Republic Act Number 11202 o kilala rin sa tawag na Mobile Number Portability Act.

Sa ilalim ng naturang batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019, maaaring gamitin pa rin ng mobile services subscribers ang kanilang kasalukuyang mobile numbers kahit na sila ay magbago ng networks, lumipat sa postpaid service mula sa pagiging prepaid subscriber, o maging prepaid subscriber na mula sa pagiging postpaid subscriber.

Nakasaad din sa batas na hindi maaaring ilock-in ng telcos ang mobile devices para lamang sa kanilang network, hindi alintana kung ang device ay ibinebenta bilang isang unit o kung nasa ilalim man ito ng isang service contract. 

Hindi rin pagbabayarin ang subscribers kung mapagdesisyunan nilang gamitin pa rin ang kanilang kasalukuyang mobile number. 

Tinatanggal na rin ng nasabing batas ang interconnection fees na ipinapataw sa subscribers kung sila ay tatawag o magte-text sa ibang networks. 

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, nakatakda sanang ipatupad ang naturang batas sa first quarter ng taon, ngunit pansamantala itong naantala bunsod ng pandemya.

Ang mobile phone network providers ng bansa na Smart Communications, Inc, Globe Telecom, Inc., at Dito Telecommunity Corporation ay nauna nang nagkaroon ng kasunduan ukol dito at binuo ang Telecommunications Connectivity, Inc. para maipatupad ang  Mobile Number Portability Law.

Napili nila ang kumpanyang Syniverse mula sa Amerika bilang magiging mobile number portability service provider.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.