OFW RECOVERIES SA COVID-19 UMABOT NA SA 61%

Ni Ivy Atompag
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, Abril 17, na tumaas sa 11,142 ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naka-recover mula sa COVID-19 noong nakaraang linggo.

Sa huli nitong case bulletin, sinabi ng ahensya na nasa 5,884 ang active cases sa kasalukuyan habang ang death toll ay tumaas sa 1,115.

Mula noong Abril 11-17, nakapagtala ang DFA ng 1,059 na bagong infections at 47 na pagkamatay.

Naitala rin nito ang pinakamataas na bilang ng infections na 889 noong Abril 13 dahil sa pagtaas ng mga kumpirmadong kaso sa Middle East. 

“Compared to last week’s percentages, the total number of Covid-19 fatalities and under treatment saw a slight decrease to 6.15 percent and 32.43 percent, respectively. Meanwhile, those who recovered increased to 61.42 percent,” paliwanag ng ahensya.

Pinakamataas sa bilang ng active cases sa bawat rehiyon noong nakaraang linggo ang mga rehiyon ng Middle East at Africa na may 3,828, na sinundan ng Asia Pacific region na may 1,058, habang ang Europe ay may 911 na kaso, at ang America na may 87 na kaso.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.