ONLINE REGISTRATION PARA SA NAT’L ID, AARANGKADA NA SA ABRIL 30 — NEDA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Maaari nang makapagrehistro online ang mga aplikante para sa national identification (ID) system ng bansa ngayong darating na Biyernes, Abril 30.

Ito ang inanunsyo ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua nitong Martes, Abril 27, kung saan sinabi niya na maglulunsad ang NEDA ng online system para makuha ang demographic data ng mga magsusumite ng kanilang aplikasyon.

Gayunpaman, ayon sa Kalihim, kinakailangan pa rin aniyang magtungo nang personal ang mga aplikante sa registration centers para makuha ang kanilang biometrics at magbukas ng bank accounts iyong mga wala pa.

Sa Mayo ay inaasahang sisimulan nang maibigay ang Philippine Identification System o PhilSys number at ID ng mga nagpaparehistro.

Saad ni Secretary Chua, makatutulong ang national ID system upang mas mabilis na maipamahagi ang Coronavirus disease 2019 o COVID-19 vaccines at mas maayos na maipamigay ang tulong pinansyal ng pamahalaan kapag mayroong lockdown.

Dagdag pa ni Chua, sa pamamagitan ng naturang hakbang ay inaasahang makakapagbukas ng bank accounts ang lahat ng mga pamilyang nabibilang sa low-income na sektor ng lipunan sa katapusan ng taon.

Matatandaang sa unang bahagi ng taong ito ay nagparehistro si Pangulong Rodrigo Duterte para sa national ID.

Noong taong 2018 ay nilagdaan ng Pangulo upang maisabatas ang panukala hinggil sa national identification system. Ito ay para pag-isahin na lamang ang iba’t ibang government IDs sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang national ID system.

Inaprubahan din ng pamahalaan ang karagdagang P3.52 bilyong pondo para makapagpatala ang karagdagang 20 milyong Pilipino para sa national ID system ngayong taon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.