PAG-INSPEKSYON SA COLD STORAGE FACILITIES SISIMULAN NA PARA MAIWASAN ANG PAGKASAYANG NG MGA BAKUNA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sisimulan na ng pamahalaan ngayong linggo ang pag-iinspeksyon sa cold chain facilities bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa bansa.

“We will make sure that all the vaccines, whether 2 to 8, negative 20 or negative 70 [degrees Celsius], will be taken care of,” pagsiguro ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa ceremonial signing na ginanap noong Huwebes, Enero 14, para sa mahigit 14 milyong doses ng bakuna mula sa kumpanyang AstraZeneca.

Upang mapanatili ang bisa at mapigilan ang pagkasayang ng mga ito, ang COVID-19 vaccines ay kinakailangang iimbak sa lugar na may tamang temperatura, na umaabot ng hanggang -70 degrees Celsius para sa bakunang nagmula naman sa kumpanyang Pfizer.

“We have seen some reports that we have 30% wastage in some areas in Europe. With the acute shortage of the vaccine, we cannot afford wastage,” pahayag ng Kalihim.

Kaugnay sa layon nito na simulan na ang pamamahagi ng Pfizer COVID-19 vaccines ngayong darating na Pebrero sa pamamagitan ng COVAX facility, nakabili na ang pamahalaan ng 10 ultra-low temperature na freezers na paglalagyan ng nabanggit na mga bakuna.

Ang COVAX, na isang inisyatiba sa pangunguna ng World Health Organization, kasama ang vaccine alliance na Gavi, at ang Coalition for Epidemic Preparedness Innovations, ay nagtakda na ng mga kinakailangang gawin ng bansa para sa pagsisimula ng pagbabakuna.

Nauna nang sinabi ng Vaccine Czar na sa ngayon ay magiging limitado muna ang Pfizer vaccines sa mga residente ng Metro Manila, Cebu City, at Davao City sapagkat may kakayahan ang ang mga lugar na ito na sundin ang nasabing storage requirements.

Humingi na rin ng ayuda ang pamahalaan sa mga pribadong kumpanya sa pagtatayo ng cold storage rooms at walk-in freezers.

Samantala, nakatakda namang dumating sa bansa ang 50,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa China sa Pebrero 20, na susundan pa ng karagdagang 25 milyong doses. Kabilang din ang AstraZeneca vaccines sa mga unang batch ng bakuna laban sa virus na darating sa bansa.

Ang mga bakuna mula sa nasabing dalawang kumpanya ay maaaring iimbak sa standard refrigerators na may lamig na 2 degrees hanggang 8 degrees Celsius.

Ayon kay Galvez, susunod nang aasikasuhin ang logistics para sa AstraZeneca vaccines matapos pinal nang masiguro ng pamahalaan ang suplay nito sa bansa. 

“The contract that we have finished right now is only to unlock the supply. We will have a next agreement which is the supply agreement, wherein the nitty-gritty of the shipment, storage, and also distribution will be undertaken,” paglalahad ni Galvez.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.