PAG-INSPEKSYON SA MGA BAKUNA, AABUTIN LANG NG 30 MINUTO AYON KAY GALVEZ

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Siniguro ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na tanging 30 minuto lamang ang kailangan ng mga customs personnel upang maproseso ang pagpasok ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Iniulat din ni Sec. Galvez na mayroon nang “one-stop shop” na naisagawa ang Bureau of Customs (BOC) upang mas mabilis na maproseso ang pagtanggap sa vaccine shipment sa panahong dumating na ito sa bansa.

“We had an initial coordination with the different agencies kaya po sir nakita po natin from arrival. Iyong Customs, sir, talagang ano, mayroon silang one-stop shop. (Finance) Secretary (Carlos) Dominguez already directed Commissioner Jagger (Guerrero) Custom Commissioner, na talagang mabilis po ‘yung ano — ang pinakaano natin sir is not more than 30 minutes kasi po talaga lang i-inspect ang ano po para kung ilan ‘yung bag — ang ano po na nandoon (We had an initial coordination with the different agencies. We’ve seen the process from arrival. Customs has set up a one-stop shop),” ulat ni Sec. Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa sa kanya, sa eroplano mismo gagawin ang pag-inspeksyon sa mga bakuna kung saan agad umano itong ililipat sa naghihintay na truck na mayroong cold storage na siyang magdadala sa mga itinakdang drop-off points.

Matapos makuha ang clearance mula sa BOC, didiretso ang mga bakuna sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa upang mailagay sa mga cold storage facilities.

Magkakaroon din umano ng special road lanes para sa mabilis na transportasyon ng bakuna gayundin ng police personnel na siyang magsisilbing mobile escorts. 

“We already coordinated with DILG (Department of the Interior and Local Government) and Chief PNP (Philippine National Police) na talagang mayroon pong ano mayroon pong escort, mobile escort,” ayon kay Sec. Galvez.

Upang walang masayang na bakuna at maiwasan ang anumang aberya sa distribusyon nito, magkakaroon ng simulation ng delivery ng mga bakuna ngayong araw.

“Talagang ira-run through po namin para makita po namin in actual. And then kung may mga defects, aayusin namin sir lahat ng mga defects,” pahayag ni Sec. Galvez.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.