“Pag may order masaya…isa pa nalilibang ako ‘pag may bagong character akong ginagawa.” – Edwin Dela Vega, Artist

Ni Benjie Dorango

Pero di tulad ng karaniwang artist, maliliit na laruan ang canvas ng 40 na taong gulang na si Edwin ng Tanay, Rizal.

Ang kanyang inspirasyon sa pagpipinta, ang mga hinahangaan n’ya noong kabataan at mga personalidad sa kasalukuyan.

Tulad ng pigurang ito na pamilyar sa kahit na kanino. Tinawag n’ya ito ‘Chibby Digong’.

Ibig sabihin, maliit ang katawan, malaki ang ulo. Caricature sa ibang tawag.

Pero kahit anupaman, matutuwa ka na lang sa ‘cute’ na small figure na ito na kamukhang-kamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Malaki rin kasi ang paghanga nya sa Pangulo, kwento n’ya.

Pangarap n’ya rin sana na magsilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon pero 2016, hindi na n’ya kinaya ang mababang sweldo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Engineering Department bilang pintor ng mga road signages sa EDSA.

Kaya mula sa pagpipinta, nauwi sya sa pagpa-family driver sa Cavite.

Kaya lang, nang tumama ang pandemya sa bansa ngayong taon, balik-tambay si Edwin.

No work, no pay kaya problema n’ya ang ipantutustos sa kanyang dalawang anak.

Kung mayroon mang natirang ipon si Edwin, ‘yun ay ang kanyang talento sa pagpinta.

‘Yan ngayon ang kanyang naging puhunan para pansamantalang maitaguyod ang kanyang pamilya.

“Wala akong ibang trabaho kung hindi ito lang sa ngayon at konting kita sa maliit kong tindahan ng laruan” kwento ni Edwin.

“Pero laban lang”, dagdag pa n’ya.

Kahit pabarya-barya kasi, nakakatustos sya sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Mga toy collectors mula Visayas, Mindanao, Hong Kong, at Thailand ang kanyang parokyano na nakikilala n’ya sa social media.

May bumibili ng paisa-isa, mayroon namang maramihan.

Buong panahon at talento ang kanyang ibinuhos sa bagong tuklas n’yang oportunidad.

Tulad ni “Chibby Digong” na kalahating araw n’yang kinukumpleto mula layout hanggang coloring.

Pero kapag nakakatapos, ramdam naman n’ya ang saya dahil tiyak na matutuwa sa kanya ang kanyang mga suki at siguradong meron na naman s’yang maisasaing.

“Ganun ang buhay ngayon. Tuloy lang. Ang sumuko, talo,” dagdag pa n’ya.

Ang kanya namang hiling, makarating ng personal sa Pangulong Duterte si “Chibby Duterte”. Higit sa lahat, sana raw magkaroon ng puso ang kapwa Pilipino sa sarili nating gawang produkto.

Dahil tayo-tayo pa rin naman ang magtutulungan sa bandang huli.

Kung nais ninyong magkaroon ng koleksyon ng kanyang mga gawa, maari kayong tumawag sa kayang numero: 09067539271 o kaya hanapin ang pangalang Edwin Dela Vega sa Facebook.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.