PAGBABA NG MINIMUM AGE RESTRICTION SA 15 TAONG GULANG, APRUBADO NG MGA ALKALDE SA METRO MANILA

Ni Monica N. Ladisla
Source: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inilahad ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na payag na ang mga alkalde ng Metro Manila na babaan ang minimum age restriction ng mga menor de edad na puwedeng lumabas sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Mula sa 18 taong gulang, payag na umano ang mga alkaldeng ibaba ito sa 15 taong gulang. “For the record, we had a meeting last Thursday (Feb. 11) about this issue at ‘yun nga, ang unang pinag-usapan is about the age. Para sa amin, pinaka-importante ‘yung edad,” ani MMDA Chairman Abalos.

Ayon pa kay Chairman Abalos, may mga suhestiyon din silang natanggap na ibaba sa hanggang limang taong gulang ang minimum age restriction ngayong GCQ subalit hindi umano nila ito pinayagan.

“We opposed this, sabi namin mas mabuti siguro gradual muna and we were given time to consult with the mayors,” paliwanag ni Chairman Abalos.

Dagdag pa niya, “Importante kasi sa mga bawat alkalde na magkaisa ang kalakhang Maynila. Kasi magkakatabi lang ‘yan, eh. Hindi pwedeng iba-iba polisiya, baka kumalat ang sakit.”

Kamakailan, pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang paglabas ng mga menor de edad na may edad sampu hanggang 15 taong gulang para sa non-essential travel sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.