PAGBABAWAL SA PDA, HOLDING HANDS SA MGA MAGKASINTAHAN AT MAG-ASAWA, HIHIGPITAN PA NG PNP

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko kabilang na ang mga magkasintahan na sumunod sa itinakdang physical distancing at iwasan muna ang holding hands at iba pang public display of affection upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Kasama ‘yan sa panuntunan noong nakaraang taon na hangga’t maaari ay i-maintain ‘yung minimum physical distancing between and among our people na nasa publiko. Most likely maaapektuhan ang mga couples pati na rin ‘yung close to each other, ‘yung sweethearts, friends at iba pang merong intimate relationship,” pahayag ni PNP Spokesperson Ildebrandi Usana.

Nilinaw din ni Usana na hindi sakop ng direktibang ito ang lahat ng tao at hindi lamang ang nakatuon sa mga magkasintahan.

“Across the board po ‘yan. Ito po ay ini-implement sa lahat ng mamamayan. Incidentally, nag-require na po ang ating mga lokal na pamunuan na strictly enforce itong minimum health and safety protocols, that means maghihigpit tayo sa pagsusuot ng face mask, face shield pati na rin po ‘yung physical distancing,” paglilinaw ni Usana.

Sang-ayon din si Dr. Anna Ong-Lim, isang infectious disease specialist sa direktibang inilabas ng PNP.

Aniya, “Coming from the infectious disease perspective, tingnan na lang natin is ano ba ‘yung intensyon ng directive? Gusto po natin na at all times nirerespect natin ‘yung rules na dapat may physical distancing at ano pa pong sigurong manifestation nun — ‘yung ating distansya sa isa’t isa o ‘yung display of affection — sakop pa rin po ‘yun nun. It’s really just a way to make sure na consistent ‘yung implementation.”

Dagdag pa ni Dr. Ong-Lim,“Siguro importanteng maintindihan ng mga tao is ano ba ang paraan kung paano kumakalat ang sakit na ito. Marunong naman tayong umintindi at kumikilos accordingly.”

Kamakailan, nagbabala ang OCTA Research Group  na maaaring umabot sa anim na libo ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Marso kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga kaso.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.