PAGBIBITIW NI MAGALONG SA PWESTO, HINDI PINAYAGAN NG NTF

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Tinanggihan ng mga punong opisyal ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ngayong araw ang pagbibitiw sa pwesto ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar ng bansa.

Ayon sa kanila, isang malaking kawalan ito sa pagtugon ng pamahalaan sa kinakaharap na pandemya.

Kamakailan ay maraming pumuna sa kaniyang pagdalo sa birthday celebration ng isang tanyag na personalidad kung saan may mga health protocol na hindi sinunod tulad ng physical distancing at hindi pagsuot ng face masks. 

Sa kaniyang resignation letter kahapon, isinaad ni Magalong ang kaniyang pagkukusang managot at maging responsable sa kinasasangkutang isyu.

“I was involved in a recent incident where several lapses in the protocol were committed. In hindsight, being a senior officer of the Task Force, I should have done an immediate spot correction of the errors that I witnessed during that time,” sabi ng alkalde sa kaniyang sulat.

Sa kabila nito, binigyang-diin ni National Policy Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na hindi nito matatanggap ang pagbibitaw sa pwesto ng huli.

“Alam niyo napakasakit sa akin ‘nung pinasa nga niya ang kanyang resignation pero hindi po namin matatanggap kasi napakalaki ng ginawa po ni Mayor Benjie Magalong sa amin,” paliwanag ni Galvez sa isang interview sa kasagsagan ng pagbisita ng COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa Maynila.

Dagdag pa ni Galvez, magiging malaking kawalan ang pagbibitiw sa pwesto ni Magalong sa task force.

Inilahad ni Galvez ang kahalagahan ng contact tracing lalo na’t magsisimula na ang pamahalaan sa implementasyon ng immunization program sa buong bansa kung saan kailangan ang maiging pag-monitor sa maaaring mga epekto ng bakuna.

“As we face the challenges brought about by the health crisis, Mayor Magalong’s role as contact tracing czar is crucial as we scale up our Covid-19 response and mitigation efforts,” saad niya.

Hinikayat din niya ang publiko na tingnan ang magandang intensyon ni Magalong sa pagdalo sa pagdiriwang at bigyan ito ng “benefit of the doubt.”

“Alam naman natin na ang Baguio, ang pinaka-main source of its earning is basically on tourism. Tingnan na natin ‘yung talagang magandang motive po ni sir Benjie why he is there,” aniya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.