PAGGAMIT NG DALAWANG MAGKAIBANG VACCINE BRANDS, PINAG-AARALAN NA NG GOBYERNO

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinag-aaralan na ngayon ng mga eksperto sa medisina ang paggamit ng dalawang magkaibang bakuna upang mapunan ang kakulangan ng suplay nito sa bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Dr. Jaime C. Montoya, kasalukuyan ng ginagawa ang clinical trials upang alamin kung epektibo nga ba ang paggamit ng magkaibang vaccine brands.

“Ito ay tinitingnan na sa pamamagitan ng clinical trials dahil nafo-foresee natin na maaaring mangyari lalo na sa kakulangan ng supply baka nga pag ikaw ay magse-second dose sa bakuna mo ay wala ang second dose mo,” ani Montoya.

Dagdag pa niya, “Isa pang rason din ay, base ito sa mga siyentipiko, ang kanilang thinking ay baka mas maganda po ang booster kung ibang bakuna ang ibibigay sa second time parang karagdagang coverage. Ito ay tinitingnan na ngayon.”

Nitong Marso, inihayag ng Vaccine Expert Panel ng DOST na maaaring tumanggap ng booster shots ang mga indibidwal na kumpleto na sa bakuna at mababa ang antibodies sa katawan, isang taon matapos mabigyan ng bakuna.

Nilinaw rin ni Montoya na hindi na maaaring ulitin ang first dose ng bakuna kung sakaling nakapagpabakuna para sa second dose ang isang indibidwal.

“Ang recommendation ay kunwari 28 days, lumagpas ‘yan naging five to six weeks, of course, hindi po ‘yun ideal pero bibigyan kayo ng second dose at imomonitor na lang. Hindi naman po uulitin ulit,” pahayag ni Montoya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.