PAGHAHANAP SA THIRD GENERATION CONTACTS, BIGYANG IMPORTANSYA AYON KAY MAYOR BENJAMIN MAGALONG

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hinikayat ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kanilang contact tracing efforts matapos maitala kamakailan ng bansa ang kauna-unahan nitong COVID-19 UK variant.

Ani Mayor Magalong, hindi lang dapat umano umasa ang mga lokal na pamahalaan sa gobyerno sa pagsasagawa ng contact tracing.

“They should not simply rely on the Department of Health, and the PNP. Dapat local governments should take the leap in contact tracing,” pahayag ni Mayor Magalong.

Ayon din sa kanya, mababa ang contact tracing efficiency ng bansa na naglalaro lamang sa 1:7 hanggang 1:9, malayo sa 1:37 kung saan kasama sa bilang na 37 ang third generation contacts na maaaring nakasalamuha ng isang taong apektado.

Dagdag pa niya, kailangan din umanong hikayatin ng mga alkalde ang kani-kanilang contact tracers na hanapin ang third generation contacts at huwag makampante sa paghahanap sa first at second generation contacts lamang.

Iginiit din niyang nararapat na isama sa standard operating procedures ang paghahanap ng mga third generation contacts subalit aminado siyang mahirap itong makamit sa kasalukuyan sapagkat karamihan sa mga contact tracers na kinuha ng gobyerno ay nagtapos na ang kontrata noong Disyembre 31, 2020 dahil na rin sa kakulangan sa budget.

Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang Department of the Interior and Local Government na tanging 15,000 contact tracers ang muli nilang kukunin habang hinihintay umano nila na ilabas ang karagdagang pondo para sa mga ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.