PAGPAPADALA NG UNANG BATCH NG PHILID, SINIMULAN NA

Ni Ivy Atompag
Photo: Philippine National ID
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pamamahagi ng unang batch ng Philippine ID cards ngayong linggo. 

Nasa 956 PhilIDs ang idedeliver sa buong bansa kabilang na ang Metro Manila, La Union, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Rizal, Cavite, iloilo, Bacolod, Albay, Masbate, at iba pang probinsya.

Ang PHLPost, bilang opisyal na delivery partner ng PhilSys, ay nakatakdang maghatid ng mga PhilIDs sa iba’t ibang destinasyon. 

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, sinisiguro nilang ang mga makinang kanilang ginagamit ay nasa maayos na kondisyon para madagdagan pa ang bilang ng mga susunod na batch ng PhilID.

“We are pleased to have commenced this major milestone in the implementation of the PhilSys. This exercise showed us what can be improved in our card production and personalization machines and processes,” saad niya sa isang news release.

Layunin ng PSA na makapagrehistro ng 70 milyong Pilipino bago matapos ang taon at halos ang buong populasyon ng Pilipinas sa kalagitnaan ng 2022. 

Ang online website para sa Step 1 ng pagpaparehistro ay kasalukuyan pang isinasaayos matapos itong makatanggap ng 40,000 requests sa unang ilang minuto ng pilot launch nito noong Abril 30. Ang bugso ng registration requests ay nagdulot ng delay sa pagpapadala ng one-time password (OTP) na kailangan sa registration. Hinihikayat pa rin ng ahensya ang publiko na mag-sign up online kapag gumagana na ulit ang register.philsys.gov.ph.

“We are urgently looking into the issue and updating the website to resolve this technical challenge. Once again, we apologize for any inconvenience this has caused. We thank you for your patience and support for the PhilSys program,” saad ng kanilang Facebook advisory. 

Ang pangalawang hakbang sa pagpaparehistro naman ay isasagawa sa registration centers.

Ang Philippine Identification System Act na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018 ay naglalayong magbigay ng iisang national ID para sa lahat ng Pilipino.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.