Ito ang ibinalita ni Spokesperson Harry Roque base na rin umano sa kahilingan ng mga motorista.
“Bilang pagtugon po sa kahilingan ng mga motorista, in-extend ng DOTr ang palugit sa pagsisimula ng 100% cashless transactions sa mga toll road mula November 2 at ginawang December 2 ngayong taon,” sabi ni Spokesperson Roque.
Dagdag pa niya, wala nang dahilan ngayon para makipagsisikan sa mahabang pila ng mga sasakyan na gustong magpakabit ng RFID.
“So huwag po kayong mag-panic, binigyan po tayo nang mas mahabang panahon para magpakabit ng RFID. Ito ay upang bigyan ng konsiderasyon ang mga kababayan natin na hindi pa rin nakakapag-install ng RFID sa kanilang mga sasakyan, giit pa ng tagapagsalita ng Palasyo.