PAGPAPALIBAN NG BAYAD, MAS MABABANG SINGIL SA PAUTANG, HATID NG PAG-IBIG SA MGA MIYEMBRO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nitong Huwebes, Nobyembre 19, inanunsyo ng Pag-IBIG Fund na bababaan nila ang sisingiling buwanang bayad sa mga nais humiram para sa pagpapatayo ng bahay sa ilalim ng Special Housing Loan Restructuring Program nito.

Bukod sa mababang singil, pahihintulutan din ng Pag-IBIG ang pagpapaliban sa pagbabayad ng utang ng hanggang anim na buwan at hindi na pagmumultahin ang mga miyembro na may hindi pa nababayarang monthly amortization.

“We understand the need of our members especially during these trying times, that is why we are offering this program to help ease their financial burden and provide them enough time to recover,” pahayag ni Pag-IBIG Fund Board of Trustees Secretary Eduardo del Rosario.

Ayon pa sa Pag-IBIG, bukas ang programang ito sa lahat ng loan borrowers na ang loan account ay updated. Maaari ring mai-apply sa programang ito ang housing loan accounts na hindi lalagpas sa labindalawang buwan ang hindi nabayarang monthly loan payments nitong Agosto 2020.

Maaaring bayarang muli ng mga miyembro ang kanilang hiniram na halaga sa Marso ng susunod na taon.

Ang mga miyembro ng Pag-IBIG na interesado sa naturang programa ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa website ng ahensya hanggang Disyembre 15 ng taong kasalukuyan.

Matapos makapagbigay ng kaniyang aplikasyon, makakatanggap ang Pag-IBIG Housing Loan borrower ng Reference Number bilang patunay na natanggap na ang kanyang aplikasyon. Ang Reference Number na ito ay siya ring gagamitin ng nasabing borrower kung nais niyang alamin ang status ng kanyang aplikasyon.

Sa mga nasalanta naman kamakailan lamang ng mga sunod-sunod na pagbagyo sa bansa, may handog ding calamity loan ang ahensya para sa mga ito. Maaari itong bayaran ng hanggang 24 na buwan o dalawang taon.

Sa loob ng 90 na araw magmula nang ideklara ang state of calamity sa isang lugar, maaaring makahiram ang miyembro ng hanggang 80 porsiyento ng kaniyang kabuuang Pag-IBIG Savings, na binubuo ng kaniyang buwanang kontribusyon sa Pag-IBIG, kontribusyon ng kaniyang pinagtratrabahuhan, kasama na ang tubong kinita mula rito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.