PAGREREHISTRO PARA SA NATIONAL ID SYSTEM, UMARANGKADA NA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakakasa na ang pagbabahay-bahay ng mga tauhan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Lunes, Oktubre 12, upang opisyal na simulan ang pre-registration sa national ID system.

Layunin ng PSA na maparehistro ngayong taon ang limang milyong Pilipino mula sa 664 na lungsod at 32 na probinsya ng bansa na may mababang bilang ng aktibong kaso ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19.

“‘Yong tinatawag na mass registration, hindi pa po mangyayari. Next year pa po iyon. Hindi pa nila kailangang maghanda ng documents. Pero tatanungin po sila kung ano ang documents na mayroon sila,” paglalahad ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista.

Sa unang hakbang ng nasabing pagtatala, kukunin ang demographic data ng indibidwal, gaya ng pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan, blood type, marital status, tirahan, at iba pang mahahalagang impormasyon.

Matapos kuhanan ng mga nasabing impormasyon, itatalaga ng PSA ang araw kung kailan pwede nang maproseso ang pangalawang hakbang ng pagrehistro, kung saan kukunan naman ang indibidwal ng kaniyang biometrics, tulad ng fingerprint, iris scan, at larawan. Ang pangalawang yugto ng national ID system registration ay gaganapin naman mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 30 ng taong kasalukuyan.

“‘Pag nakarehistro ka, mga tatlong araw lang, iva-validate na ang iyong pagkarehistro. ‘Pag validated at ikaw ay pumasa sa validation, papadalhan ka ulit ng text message na successfully registered ka. Mai-isyuhan ng ID and then ipapadala sa’yo,” dagdag ni Asec. Bautista.

Ang pamamahagi ng national ID cards na may kalakip na Philippine Identification System (PhilSys) number, na siyang huling yugto ng proseso sa pagrerehistro, ay gaganapin sa susunod na taon.

Bagama’t hindi mandatory, hinihikayat ng PSA ang publiko na magparehistro para sa national ID dahil makatutulong anila ito upang mas mabilis at madaling matanggap ng mga mamamayan ang mga ayuda mula sa pamahalaan at maging mas magaan ang kanilang pagproseso sa mga transaksyon sa pribado at pampublikong sektor.

“Libre po ito. Gastos lahat ng gobyerno,” paliwanag ni Bautista.

Sa Enero 2021 ay plano nang isagawa ang malawakang PhilSys registration sa buong bansa. 

Bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, target ng PSA na makapagparehistro ang nasa 92 milyong Pilipino sa national ID system.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.