Pagsusuot ng face shield bukod pa sa facemask, mandatory na tuwing lalabas ng bahay – IATF

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kaugnay ng balitang magsasagawa ng pilot-testing para sa face-to-face classes, inihayag ng Palasyo na magsisimula ang implementasyon nito sa Enero 11 hanggang 23 sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Department of Education (DepEd) mismo ang mangunguna sa gagawing dry run kasama ang COVID-19 National Task Force.

Ilalaan naman ang huling linggo ng Enero para sa paglikom ng mga ulat sa isinagawang dry run na siyang pag-aaralan at pag-uusapan ng gabinete at ng Pangulo bago magbigay ng pinal na rekomendasyon ukol rito.

Base sa timeline ng DepEd, mayroon lamang hanggang Disyembre 18 ang regional directors para isumite kay Sec. Leonor Briones ang listahan ng mga paaralang inirerekomenda para sa gagawing dry run.

Ang mga mapipiling paaralan ni Sec. Briones ay isasailalim sa orientation, mobilization, at readiness confirmation upang maging handa sa dry run.

Ayon sa DepEd, may ilan nang mga lugar mula sa low-risk areas ang nagpakita ng interes sa face-to-face classes.

Kamakailan, iniulat ng DepEd na mayroon na umano silang listahan ng paaralang maaaring isailalim sa pilot testing ng face-to-face classes upang maihanda ang mga mag-aaral sa posibleng pagbabalik eskwela sa mga lugar na naitalang nasa low-risk.

Subalit, nilinaw ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na kailangan muna nilang tignan ang kakayahan ng mga paaralan  lalo na ang kahandaan ng mga tao sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa ilalim ng new normal.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.