PAGTAAS NG BILANG NG NON-COVID ILLNESSES, NAKAKAALARMA — NEDA

Ni Joan Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Binigyang-pansin ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua ang tumataas na bilang ng kaso ng mga may cancer, diabetes, at hypertension na maaaring dala na rin ng kakulangan sa healthcare resources, restriksyon sa paggalaw, at takot na mahawa ng COVID-19 sa mga ospital.

Sa inilabas na pahayag ng Acting Secretary ngayong Marso 26, sinabi nitong maaaring tumaas ang bilang ng non-COVID illnesses ngayong taon at sa susunod pa.

“Our concern is that this year or next year, there will be more people afflicted with these diseases who are no longer able to get well or get better because they had foregone treatment last year. We also have to think about their welfare. This is why NEDA is recommending a holistic and balanced approach to help those suffering from COVID, non-COVID illnesses, or even hunger and joblessness,” pahayag nito sa isang press briefing sa Malacañang.

Sa kabila nito, siniguro ng NEDA na prayoridad ng gobyerno ang kalusugan at kaligtasan ng publiko mula sa COVID-19 habang isinasaalang-alang ang trabaho.

“The Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases has taken a careful and calibrated approach by focusing on localized quarantines and addressing the sources of highest risk, so that the jobs and livelihood of the far majority will not be affected,” pahayag ng Acting Secretary.

Mas pabor diumano ang localized quarantines na may additional restrictions kumpara sa pagsasailalim muli ng bansa sa MECQ dahil mananatiling tumatakbo ang mga negosyo, mayroon pa ring transportasyon, at maaari namang gumamit ng work-from-home arrangement ang mga opisina. Pinapayagan din ang outdoor dining at take-out deliveries.

Napatunayan na sa datos noong 2020, nasa 1.4-milyong trabaho ang naibalik sa huling quarter at bumaba ang hunger incidence sa labas ng NCR sa pag-relaks ng quarantine.

Matatandaang nirebisita ang quarantine measures nang magkaroon ng pagtaas sa COVID-19 cases kamakailan na maaaring dulot ng mutated at mas nakakahawang variant ng virus. Nirekomenda ng IATF ang pagpapanatili sa Metro Manila sa ilalim ng GCQ, at paglalagay sa mga karatig-probinsya gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa kaparehong lebel, ngunit may karagdagang restriksyon.

Sinabi naman sa kaparehong press briefing nina National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. at testing czar Secretary Vince Dizon na nasa mas mabuting kalagayan na ang bansa para tugunan ang pagtaas ng mga kaso ng virus kumpara noong nakaraang taon.

Mayroon nang 229 testing laboratories na nagsasagawa ng 50,000 tests araw-araw ang Pilipinas kumpara noong unang bahagi ng 2020. Maaari na ring makuha ang resulta ng test sa loob ng isang araw.

Sa tala ng DOH, nasa 9.1-milyong indibidwal na ang sumailalim sa testing nitong Marso 21.

Dagdag pa ng NEDA chief, kailangang balansehin ang ganitong mga istratehiya sa pangkalahatang epekto ng pandemya sa human welfare and development.

“To help Filipinos cope with the impact of the pandemic and the community quarantines, the 2021 budget has 284 billion pesos worth of subsidies and assistance. We need to ensure that the implementation of these programs are accelerated,” ani ng Acting Secretary.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.