PALAGAY NG BOC, HINDI MAGKAKAROON NG PORT CONGESTION KAHIT MAY TRUCK BAN

Ni Joan Alcantara
Photo: BOC
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Positibo pa rin ang Bureau of Customs (BOC) na hindi magkakaroon ng port congestion sa kabila ng total truck ban sa six-wheelers mula EDSA Magallanes sa Pasay hanggang North Avenue sa QC na nagsimula nitong Disyembre 14.

Bukod sa Magallanes at North Avenue, plano ring maglagay ng window hours sa iba pang pangunahing kalye sa Metro Manila para iwas-taas sa traffic volume.

Nauna nang nagpahayag ng pag-aalala ang ilang grupo ng mga truck na magreresulta ang panunumbalik ng truck ban matapos ang siyam na buwan mula nang magsimula ang pandemya sa port congestion, bukod pa sa nililimitahan nito ang daloy ng kalakal.

Sinabi naman ng BOC na sinisiguro ng ahensya na nasa global standard rate na hindi tataas sa 70% ang yard utilization rate nito. Mula Disyembre 1-13, nasa 75% ang average yard utilization ng Manila International Container Port (MICP) na ayon sa BOC ay “manageable” pa rin.

Sinisiguro rin ng BOC ang madaliang release ng mga shipment na ayon sa time-release study na isinagawa sa MICP ay nasa 2 araw, 10 oras, at 3 minuto mula pagsumite ng good declaration hanggang maisyu ang clearance para sa importation, at 3 araw, 13 oras, at 29 minuto naman sa exportation.

“To ensure the unhampered delivery of services and avoid possible port congestion, the Bureau is closely coordinating with Shipping Lines and Terminal Operators as our proactive role in averting the unlikely event of port congestion,” pahayag ni Deputy Commissioner of Assessment and Operations Coordinating Group Atty. Edward James A. Dy Buco.

Sinabi rin ng Deputy Commissioner na binigyang direktiba na ang Customs Container Control Division ng bawat port na siguruhing walang empty containers habang madaliang release naman ang ibinaba sa assessment offices para hindi maipon ang mga ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.