PALASYO: FACE-TO-FACE CLASSES MAAARING MAGING LIMITADO LAMANG ANG ORAS SAKALING MAAPRUBAHAN NG PANGULO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring maging limitado lamang ang oras na gugugulin para sa pagsasagawa ng face-to-face classes sakaling maaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot run ng mga ito sa mga lugar na may mababang kaso ng pagkahawa sa COVID-19. 

Sa darating na Lunes, Pebrero 22, 2021, ay tatalakayin ng Pangulo at ng kaniyang gabinete ang posibilidad na aprubahan ang naturang in-person classes. 

“Hindi naman sinabi na palibhasa face-to-face, ‘yan po ay 8 hours, 5 days a week. Pwede naman one hour per week, 3 hours per week, basta meron lang pong kombinasyon ng module, ng computer-aided at saka face-to-face kung kinakailangang makipag-ugnayan sa mga guro,” saad ng tagapagsalita ng Pangulo. 

Nauna nang sinuspinde ni Pangulong Duterte ang pilot testing ng face-to-face classes dahil sa pag-usbong ng mga kaso ng bago at mas nakahahawang COVID-19 variant sa ilang bahagi ng bansa. 

“Pero sa tingin ko po, alam na natin ang anyo ng bagong variant ngayon, mas nakakahawa. Pero alam din po natin ang kasagutan sa bagong variant na ‘yan mas maigting na mask, hugas, at iwas,” pahayag ni Roque. 

Sinabi naman ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na naghahanda na ang kaniyang Kagawaran sakaling  pahintulutan ng Presidente na ituloy ang nasabing pilot testing ng in-person classes. 

“Naghahanda kami. Baka darating na i-lift na ni President [Rodrigo Duterte] ang deferment ng pilot studies natin na ito,” ani Briones. 

Sinabi rin ng Kalihim na base sa isang survey na isinagawa ng DepEd, mahigit 50 porsyento ng mga estudyante ang sang-ayon sa pagsasagawa ng face-to-face classes. 

Ayon din sa survey, marami sa mga guro ang payag sa naturang hakbang, samantalang hindi pa naman lubusang makapagdesisyon ang mga magulang tungkol dito. 

Iginiit din ni Briones na kinakailangang masunod ng mga paaralan ang mga kondisyon bago sila makapagsagawang muli ng in-person classes, tulad ng pahintulot mula sa lokal na pamahalaan, pagkakaroon ng written consent forms mula sa mga magulang ng mga mag-aaral, at pagsiguro sa kaligtasan ng mga estudyante sa mga pampublikong transportasyon. 

Dagdag pa ni Secretary Briones, may matinding epekto sa psychosocial welfare ng mga estudyante ang mahabang panahon ng suspensyon ng pagsasagawa ng face-to-face classes. 

Aniya, sa buong Southeast Asia, tanging ang Pilipinas na lamang ang hindi pa nakapagsasagawa ng in-person classes.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.