PALASYO HINIKAYAT ANG PHILHEALTH NA TANGGAPIN ANG TULONG NG DBP UPANG MAPABILIS ANG REIMBURSEMENTS SA MGA OSPITAL

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hinikayat ng Palasyo ang PhilHealth nitong Lunes na hayaang tumulong ang Development Bank of the Philippines upang mapabilis ang paglabas ng reimbursement para sa mga ospital.

“Talagang hindi katanggap-tanggap na natatagalan ang reimbursement. Although nagbayad ng 9 billion recently ang PhilHealth, apparently hindi ito sapat or baka hindi na talaga na-release,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Maybe it is time for PhilHealth to look into DBP’s suggestion that it will [pay in] advance [the] hospitals’ receivables subject to submission of documents. They just have to agree which documents are needed to be submitted,” dagdag pa niya.

Ayon kay Sec. Roque, umaapela na umano ang mga pribadong ospital sa PhilHealth na bilisan ang reimbursement ng mga ito sa kabila ng pandemya sapagkat gagamitin din ang pondong ito sa iba pang pasyente ng COVID-19.

Bagama’t wala pa itong basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwala si Sec. Roque na kailangang matugunan na ang isyung ito sa lalong madaling panahon.

“Importante na ang mga pangangailangan ng private hospitals ay ma-release ng PhilHealth… ang buong scheme ng universal healthcare, government talaga ang single purchaser of goods, services,” ani Sec. Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.