PALASYO: ‘ITAPON NANG MAAYOS ANG FACE MASKS, FACE SHIELDS’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa gitna ng pagdiriwang ng Earth Day nitong Huwebes, Abril 22, 2021, muling pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na itapon nang maayos ang nagamit ng face masks at face shields.

Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t mayroong kinakaharap na pandemya ay may mga pamamaraan pa rin aniya upang makatulong ang mga mamamayan para maproteksyunan ang ating kapaligiran.

“Sa panahon ng pandemya, makakatulong ang lahat kahit sa munting paraan tulad ng pagtatapon nang wasto ng pinaggamitan na face masks at face shields. Gawin natin ito at ituro sa ating mga bata,” saad ng tagapagsalita ng Pangulo.

Dagdag pa ni Secretary Roque, mahalaga aniyang ipagdiwang ang Earth Day.

“Ito ay isang espesyal na araw para ipaalala ang kahalagahan na alagaan at protektahan ang Inang Kalikasan para sa susunod na henerasyon,” ani Roque.

Binanggit din ng opisyal ang isyu ng climate change na patuloy na nakakaapekto sa bansa.

“Ang Pilipinas ay isa sa most vulnerable na bansa sa epekto ng climate change. Dahil dito, ang issue ng climate change ay relevant sa Pilipinas,” pagpapatuloy ng Kalihim.

Patuloy na iginigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagtugon laban sa climate change at hinihiling ng Pangulo na ibigay ang climate justice ng mga indibidwal na responsable sa naturang isyu.

Iminungkahi rin ng Pangulo na ikonsidera ng mga mauunlad na bansa ang pangunguna sa pagbabawas ng carbon emissions.

Matatandaang noong taong 2017 ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Paris Agreement on Climate Change Instrument of Accession, isang kasunduan sa pagitan ng United Nations Framework Convention on Climate Change patungkol sa pagpapababa ng greenhouse gas emission at climate change adaptation at finance simula noong taong 2020.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.